Chapter 16 * Park Family

4.6K 83 0
                                    

"M-Mrs. Park?!" gulat naming tanong. Sa sobrang kulitan namin, di na namin napansin na may iba pa lang tao sa likod. Wah! Nakakahiya!

"Sorry po..." sabay tungo namin ni Kim.

"Eh?" nagkatinginan kaming dalawa ni Kim. Tumawa si Mr. and Mrs. Park. D-di ba dapat nagagalit sila ngayon? Kasi pinaghahahampas namin mga anak nila?

Nabaling ang atensyon ko sa labas ng kotse nung huminto ito. Nasa tapat kami ng isang very classy restaurant. Nagsuot ng cap at shades sila Ace. Yung totoo, gabi na diba? Bakit nakashades pa? Ah. Ang tanga mo talaga Nikki. Baka naman kasi masyadong maliwanag sa loob ng restaurant. Maraming chandeliers eh.

Tahimik na bumaba ang parents ng kambal. Sumunod naman rito ang kambal. Kami ni Kim bumaba pero nakatingin lang sa pinasukan nila.

"Kim, nakakahiya yung ginawa natin kanina. Seryoso." I uttered.

"Alam ko Nikki. Grabe no? Bakit ba sila nandito? Kakain kaya sila?"

"Malamang nasa harap tayo ng restaurant eh."

"Nikki naman eh! Pero seryoso, grabe. Ang yaman nila no? May body guards pa. Ang sossy! Sana ganyan din ako."

"You'll never ask for that Kim. Wala kang freedom."

"Bakit naranasan mo na ba?"

"H-hindi. T-tingin ko lang...."

Napalingon samin sina Ken nung maramdaman yatang di kami nakasunod.

"Hey! Come here! Crush! Tara na!" Crush nanaman. Nako Ken tigil tigilan mo yan. Mamaya maniwala ako sayo.

"Oo nga Kim, Nikki, tara na sa loob!" pagyayaya rin ni Ace.

"Huh? Bakit pati kami kasama?" tanong ni Kim.

"Nakakahiya! Nakita mo ba yung ginawa namin kanina? Sobrang nakakahiya yun!" sabi ko naman.

"Ipapakilala namin kayo kina Mama at Papa" ani Ace.

"Tutal kaibigan naman namin kayo eh." sabi naman ni Ken.

"Correction. Personal assistant niyo ko. If ever, si Kim lang kaibigan niyo." pagtatama ko ng may kasama pang hampas ng daliri sa hangin.

"Kaibigan?" di makapaniwalang tanong ni Kim.

"Oo kaibigan. Friend. Tsaka Nikki, personal assistant ka namin pag nasa work. Hello? Wala kayang trabaho ngayon. Kaya for now, friend ka namin." nakangiting paliwanag na sabi ni Ace.

"Eh sabi niyo eh." sabi ko.

"Tara na nga!" sabay hatak sa amin ni Ken at Ace.

H-hawak ako ni Ken sa kamay! Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Eh?

Nung makarating kami sa loob ay binitawan na rin ako ni Ken. Phew!

Magkatabi kami ni Kim. Maya maya'y sabay kaming nag bow sa parents ng kambal.

"Sorry po Mr. and Ms. Park!" sabay naming wika ni Kim. Maya maya ay narinig namin silang tumawa kaya napatingala kami't nagtinginan sa isa't isa ni Kim.

"Ken, Ace, why don't you introduce these two ladies in front of us?" sabi ni Mr. Park.

"Ma, Pa, this is Nikki and this is Kim."

"Hello po." sabi namin ni Kim sabay ngiti. Mukha naman silang mabait. Napakaganda ng mommy nila. How I wish I grew up with my biological mom.

"Hi girls. Ang gaganda niyo naman. Take a seat." sinunod naman namin iyon.

Kim's POV

Hindi ko mapigilang di mamangha sa nakikita ko. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klase ng restaurant. Pang karinderya lang ang budget ko kaya never akong nakapasok sa ganito.

Nakaupo kami ngayon dito sa harap ng mama at papa nila Ace. Napakaganda ng mommy nila. No wonder bakit ang gwapo gwapo nitong kambal.

Sa totoo lang natutuwa ako. Why? Kasi, dati inaasam ko lang na makita ng harap harapan ang Ginger Band. Ngayon pati magulang ng dalawa sa kanila nameet ko pa. At ngayon, kasalo ko pa for dinner.

"So, girlfriends ba kayo ng mga kambal ko?" tanong ng papa nila na nagpasamid naman kay Nikki. Nagtawanan lang yung kambal.

"Uhmm, Mr. and Mrs. Park, hindi po kami girlfriends ni Ace at Ken. Actually po, PA po nila si Nikki tapos ako po bestfriend ni Nikki." paliwanag ko.

"No papa. Friends po namin sila." wika ni Ken after nilang tumawa.

"Tita and Tito, yan na lang ang itawag niyo sa amin. After all, you ladies are my sons' friends." nakangiting sabi ni Mrs. Pa-Tita pala.

"Pero Mama, crush ko po si Nikki."

"Really? No wonder. Magandang bata siya."

And for the second time, nasamid nanaman si Nikki. Ano bang balak neto ni Ken?

"T-thank you po." sabi ni Nikki kay Mrs. Park.

"Actually Ma, sa katabing unit lang namin nakatira silang dalawa. Kaya halos araw araw ay kasama namin sila." sabi ni Ace. Ako pinagpatuloy ko lang ang pagkain na tingin ko'y ganun din ang ginagawa ni Nikki.

"So I guess ganun na lang kayo kaclose." sabi ni Mr P-Tito.

"Ay opo Ma! Lagi nga po kami binubugbog niyang si Kim eh."

"Oy! Ano ako? Kayo kaya nauuna. Iniinis niyo ko."

"Pikon ka naman." napapout ako ng wala sa oras.

"Nakakatuwa naman itong si Kim. I wish I have a daughter like you. Siguro kasing edad mo siya ngayon." biglang tumahimik ang paligid. Err. Ang awkward. Ngayon nga pala yon.

"Ah Mrs. Park! Ay tita po pala. Uhmm, kamusta naman po kayo? I mean paano pa po kayo nakakapagbonding ng mga anak niyo knowing na sobrang busy po nila?" finally after that very long awkward silence, someone managed to talk. And that's Nikki.

"Uhmm, namimiss namin sila pero it's part of having children. Dadating talaga sa point na someday, hihiwalay talaga sila sa mga parents nila. Yun nga lang napaaga yung mga anak namin."

"Ah ganun po ba."

"You know girls, someday I'll invite you to visit us in our home. You two reminds me of my daughter."

----

"Nakakatuwa naman mama mo Ken. Napakabait! Ang ganda pa." sabi ni Nikki.

"Tapos, bagets ang papa mo ah! Maraming alam na in!" sabi ko naman.

"Taka pa kayo."

"Syempre saan pa ba kami magmamana?"

Napatingin ako sa relo ko. Susme.11:30 na pala. Napasarap masyado ang kwentuhan. Ang sarap kasi kausap nila Tito at Tita eh. Nandito na kami sa corridor. Nasa may 16th floor na kami papuntang unit namin.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now