Chapter 22 * False

4.4K 80 8
                                    

Aidan's POV

K-kinindatan ako ni Kim?

Hindi ko napigilang tumawa dahil sa pagkindat niya. Bago yun ah!

"Huy Aids. Kaya mo pa?" tanong sakin ni Ken.

"Pffft. H-ha? Oo naman." sabi ko.

"Kanina namumutla ka. Ngayon pulang pula. Ano nangyare?"

Wala na di ko na napigilan. Mas natawa na ko ng sobrang lakas. Kaya lang naman ako namumula kasi pigil na pigil ang tawa ko.

"Paki lagay na sa sako yan. Masyado na namang baliw. Nakindatan lang eh." Pfft. KJ talaga tong si bossing.

Maya maya kumalma nako. Inayos na ulit yung konting make up's and everything namin. Tumabi muna ako kina Nikki at Lei.

"Ayos ka lang ba Aidan?" tanong ni Lei.

"Bakit naman hindi?" di nga pala alam ni Nikki, bakit di siya updated sa kagwapuhan ko? Akala ko ba fan namin siya?

"Akala ko ba fan kita? Eh bakit wala kang alam?" malokong tanong ko kay Nikki. Tinaasan lang ako ng kilay!? Aba!

"Eh di naman ikaw yun no. Si Ken, Ace, at Ivan lang no. Katurn of ka kaya. Casanova." So ganyan? Ganyan tingin niya sakin? Parang ang sakit ah. Yan na nga ba ang sinasabi ko.

"Pero kahit ganun, loves na kita. Pamilya ko na kayo eh. Yieee. Kayo na ni Kim no?" nagdradrama ako tapos babawi ng ganyan? Wag, utang na loob. Di nga ako pumapatol sa inosente. Pero teka..

"O-oy! Di kami ni Kim! Di ako pumapatol sa inosente. Masasaktan lang sila." sabi ko pa na taas ulo. Gwapo ako eh.

"Lei, please follow Kim. Ang tagal niya sinasayang niya oras ko!" sabi nung photographer. Tumayo naman si Lei.

"Bahala ka nga Aidan." pahabol ni Lei saka lumabas ng studio. Naka separate kasi ang dressing room ni Alex. Paspesyal. 

"Ex mo si Alex no?"

"O-oo."

"Wag ka magpaapekto sa kanya. Show her she's not worth of your love."

Mukhang ganun nga gagawin ko.

"Namimiss ko na si Ate Mag." napalingon ulit ako kay Nikki.

"Kami rin eh." sabi ko.

"Kelan kaya siya uuwi?"

"Siguro pag natapos na niya yung mga trabaho niya sa ibang bansa." sabay kindat ko sa kanya.

"Yuck, Aidan. Tigilan mo nga."

Natawa ako bigla. Nakakatawa talaga si Nikki.

"Hey ano yan?" biglang dumating si Keneho at akbay kay Nikki. Pakiramdam ko totoo na to eh. Dumadamoves na eh.

"Dalhin mo na si Aidan sa hospital."

Huh?

"Bakit naman crush?"

"Kanina pa kindat nang kindat. Epileptic na ata."

Wala na, natawa nanaman ako.

"Oh kita mo oh kita mo! Di lang pala sa hospital dapat dalhin! Sa mental pa!"

"Pffft. Ikaw naman Nikki." sabi ni Ken.

"Guys! Break muna ha. Shoot will resume at 1 am. Aidan. Come with me."

Huh? Bakit?



Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now