Chapter 70 * Last Breath

4.4K 71 4
                                    

Nikki's POV

"Ang ganda ng anak ko. Halika nga. Yakapin mo si Papa."

"Papa talaga!" Niyakap ko si Papa ng mahigpit. Magdradrama nanaman ito.

"Kamukhang kamuka mo talaga mama mo. Ganyan rin siya kaganda noon bago kami ikasal." Ngumiti ako ng pilit.

If only the woman who brought me here in this world could watch me saying 'I do' to the man I love, that would make me much happier.

"Pa, minahal mo ba si Mommy Melissa?" I asked out of nowhere. Hinawakan ni Papa ang kamay ko at pinisil iyon. Nakita kong mangiyakngiyak siya.

"Kami ng Mommy Melissa mo, biktima rin kami ng fixed marriage. Bago ko pa man nakilala si Mama Cass mo, magkakilala na kami ni Melissa." This is the first time I'll be hearing their love story.

"Nasa hacienda nila kami noon. Tingin ko ay mga high school kami noon. Matalik na magkaibigan ang mga tatay namin. Napagisipan nilang iarrange marriage kami at tulad ng inyo, pag may umatras ay magbabayaran. Nainlove sakin si Melissa. Ako naman ay di pa nagseseryoso noon sa buhay. Hinahayaan ko lang siya. Pero kalaunan, minahal ko na rin si Melissa. Hindi siya mahirap mahalin. Mabait, maganda, maalaga at maintindihin. Pero along the way nang magcollege kami, nakilala ko si Cassandra. I was very devastated that moment. May kinasangkutan kasi si Melissa na scandal. Nagalit ako sa kanya ng sobra noon. At si Cassandra ang nasa tabi ko. Ang bestfriend ni Melissa."

"B-bestfriend ni Mommy si Mama?"

"Oo anak. Sa totoo lang, tinulungan pa kami ni Cassandra para magkabati. Pero wala eh. Siguro ay talagang kinailangan pa namin ng panahon para magmature. Hindi kami prinessure ng mga Papa namin. They let us fly with our own wings but we should surely go back to marry each other. Sa panahong magkalayo kami, we both love other person. Ang Mommy mo ay may minahal na iba. Ganun rin ako. Ako ay si Cassandra. But Cassandra refuses me because of Melissa. Mas nanaig ang paging magkaibigan nila. After all those years, akala ko ay nawala na ang pagmamahal ko kay Melissa, hindi pala, dahil nung kinasal kami, naging buhay ko siya. Nagsama kami ng 4 na taon. Ganun katagal. Hindi kami magkaanak-anak dahil..." biglang nagpause si Papa. Dahil? So..hindi ako tunay na...anak?

"Because...because what Papa?"

Halos mangiyak ngiyak ako sa isipang iyon. Not now please. Not on my wedding day.

"Dahil may sakit si Melissa."

"S-sakit?"

"Oo anak. Hindi siya pwedeng mabuntis. We rarely make love back then. Kasi once na mabuntis siya, mabubuhay ang bata pero mamamatay ang ina. Sakitin ang Mommy mo. Bukod dun sa sakit na iyon, may isa pang sakit ang mommy mo. It is unknown. Halos kalahati ng ari arian ng mga Han ay ibinuhos dun. Pero wala. Walang nangyare. Ang sabi ng doctor, maybe, a year or two na lang ang mommy mo. Hindi ko matanggap iyon. Napakasakit para sakin. Your mom and I enjoy the company of each other. Wala kaming sinayang na panahon. Gusto ng Mommy mo na magpabuntis na. Of course hindi ako pumayag. Pero sabi niya, ayaw niyang iwanan ako ng walang alaala bukod sa mga memories na ginawa namin. At iyon ay ikaw. We made you out of love. And not because of the fixed marriage. Nung isinilang ka, iyon na ang panahon kung saan ay namaalam na siya. But before she died, she left me a letter."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Sa mga pinagdaanan ng mga magulang ko. Indeed it was a great love story. A story that should be told. Papa never told me na nagkasakit si mommy. Naluha ako sa di malamang dahilan. May kinuha si Papa sa wallet niya. Isang piraso ng papel na alam kong luma na at kasing edad ko pa. Iniabot iyon sakin ni papa. Binasa ko iyon.

Mahal ko,

Mahal, hindi ko alam kung papaano ko ito sisimulan. Pero alam ko kung paano ito magtatapos. Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa pagmamahal mo. Gusto kong malaman mo na hindi kita pinakasalan kasi nasa fixed marriage tayo. Pinakasalan kita kasi mahal kita. At natutuwa ako kasi ramdam kong minahal mo ko. Dun pa lang sa pagiging maalaga at maintindihin mo sakin habang may sakit ako. Sa di mo pag iwan sakin kahit mas marami pang ibang babae diyan na malakas at mabibigyan ka ng anak. My first love and will be my last, I'm very happy na dumating ka sa buhay ko. I'm very blessed to have you and this child I'm bearing. Please raise this child with love. Give her the love that I will not be able to give. Make her understand that life is too short to be afraid and to be having doubts. Make her feel like she is really loved. Make her our princess. I know she'll be in great hands of a loving man but please don't spoil her. Scold her if needed. And, make sure she will be with the one she truly loves. Please, tell her that her mommy loves her so much. She is a gift from God and she is the only right thing that ever came into our lives. Gusto ko sanang ihatid siya sa altar sa kasal niya, but I know, ikaw na lang ang makakafulfill sa gusto kong iyon. Kasama nito ay isang pair ng earrings. I want her to wear this on her wedding day. This is the same earrings I wore when we got married. And for you my love, I'm setting you free. I don't want na ako lang ang mahalin mo. Cassandra, I know and I can feel na minahal mo siya at mahal ka niya kahit tinataboy ka niya. I want you to love her. Kung aalis man ako, gusto ko sa isang responsable at mapagkakatiwalaang babae kita iiwan. I know Cassandra can take care of you. Hindi magiging anak sa labas ang anak natin. Kasi alam ko, mamahalin siya ni Cassandra. Ituturing siya na parang totoong anak. Masakit man sa akin, I want you to give our child a brother or sister. Para hindi siya nag iisa. Gusto kong maging makasarili. Gusto ko akin ka. Kasi ako sayo lang. Pero kasi, ayokong maging malungkot ka. Palalayain kita pero wag mong sasabihing hindi kita mahal ha? Mahal na mahal na mahal kita kaya ko gagawin iyon. I love you mahal ko. Nasa tabi mo lang ako palagi kahit hindi mo nakikita. Dito sa lupa, kayo ni Cass. Pero promise me na pag nandito ka na sa kabilang buhay, tayong dalawa ulit. I love you with all my heart.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now