Chapter 14 * Colors

4.6K 87 0
                                    

"Ang sarap Nikki!" puri ni Lei.

"Ang swerte ng mapapang asawa mo." sabi naman ni Aidan.

"Maganda na, magaling na kumanta, masarap pa magluto!" sabi namab ni Papa Ken. Kinilig naman ako!

"Oh? Saan niyo narinig?" tanong ni Ate Mag. Ay. Di nga pala niya alam yung tungkol dun.

"Kanina sa simbahan. Invited pala si Ivan. Utos ng tatay niya. Eh kilala mo naman si Tito." sabi naman ni Ace. Quiet lang ako. Syempre. PA lang naman ako here no.

"Eh saktong dun pala nagchochoir si Nikki. Ayun. Pinakiusapan pala siya. Gulat nga kami." pagpatuloy naman ni Papa Ken.

"Kung napakinggan mo lang MM! Ganda ng boses niya!"  Kinikilig na ko kay Aidan!

"Tama! Sobrang angelic!" Sabi nanaman ni Ace. Nahihiya na ko sa mga pinagsasasabi nila. Seriously.

"Mukhang makakasundo niyo si Nikki ah." Sabi ni ate Mag. Nginitian ko lang sila. I don't know what right words to say. Bukod kay Kim, sila lang ang pumupuri sakin na nakikita kong sincere sila. Nakakatouch.

"Oo naman! Crush ko yan Manager M!" Alam ko namang biro biro at trip lang yan ni Papa Ken pero urgh! Damn it! Pero kinikilig ako! Sige nga, kung kayo nasa posisyon ko, di na kayo kikiligin?

"Magtigil kang Keneho ka." Ako yung tumawag sa kanya nun eh. Nakakahiya. Naalala ko nananan. That's the first time I got the chance to talk to them.

"Manager M naman." Di ko aakalain na ngayon, makakausap ko na sila daily.

Take note. Kapit bahay na nila ako ngayon.

"Sana mapakinggan ko rin yang boses mo someday Nikki." Tapos maipagluluto ko pa sila. Promise talaga magreresearch pa ko ng pwede nilang kainin na masusustansya.

"Nikki?" Tapos would you believe. Nakasakay na ko sa kotse ni Papa Ken. Acheivement yun oy!

"Nikki? *Snap*"

"Huh?" napabalik ako sa realidad nung nagsnap si Ace.

"A-ah Ano po yun?" tanong ko. Nagtawanan lang sila. Eh?

"Ano naman yang iniisip mo Nikki?"tanong sakin ni ate Mag. I smiled sincerely.

"Di lang po ako makapaniwala. Dati rati, pinapangarap ko lang na makita ng harap harapan ang Ginger Band. Mababaw at nakakatawa mang tignan, napakasaya ko kasi sobra pa ang ibinigay sakin. Dati ang hinihiling ko lang ay ang mabiyayaan ng litrato kasama sila at makapag paautograph. Pero ngayon? Eto, nakakahalubilo ko pa sila. Thank you po sa opurtunidad na ibinigay niyo po sakin ate Mag. You don't know how happy I am. Ang babaw ko po no? Sorry naman. Fan na fan po talaga nila ako eh. Even their favorite colors alam ko." Naluha na ko ng tuluyan. Wala eh. Ang OA ko talaga kahit kelan.

"Cheers for Nikki!" sabi ni Aidan.

"Oo nga! Wow biruin mo fan na fan natin siya." sabi naman ni Ace.

"Sige nga! Anong fave color ko?" tanong ni Ken.

"Royal Blue." sabi ko ng nakangiti pa.

"Eh ako?" sabi ni Ace.

"Yellow. Gusto mo pa nga yung bright eh." proud kong sabi.

"Wahaha. Nice. Alam na alam ah." sabi naman ulit ni Ace.

"Eh si Ivan?" tanong ni Lei.

"Black. The dark one."

"Woah. Ikaw na! Eh yung akin?" tanong naman ni Aidan.

"Bloody red."

"Mali!"

"Oy! Bloody red kaya!" napapout tuloy ako ng wala sa oras. Eh bloody red naman talaga eh!

"Haha. Wag ka mag pout. Mukha kang bibe. Bwahahahaha. Pero joke lang. Bloody Red nga."

"Yehey! Palakpak para kay Nikki!" sabi naman ni Lei.

"Tch. White ang akin hindi Black. Tss."

*Blaaggg*

Tawanan nilang lahat. As in lahat. Ako lang hindi. Wah! Lumabas pala bebe ko. Di ko napansin! Pumasok na siya ulit ng pinto niya na may dalang tubig at chips.

"Loko talaga yung batang yun." kumento ni ate Mag.

"Oo nga eh. Makaeavesdrop wagas." pahabol ni Lei.

"Grabe di daw Black. Kaya pala yung sasakyan niya at kwarto niya black." sabi naman ni Ken na umiiling pa.

"Oo nga."sabi naman ni Aidan.

"Epal lang eh no." sabi ni Ace.

"Pero Nikki, salamat at tinanggap mo tong trabahong to. Alam ko magiging mabuti ka para sa banda. Di ka kasi pakitang tao. Kung ano ka yun ang pinaka nagqualify sayo para sa trabahong ito. Well andiyan naman si Lei para gabayan ka eh."

"What Ate Mag?!"

"Wag ka ngang maingay Lei. Di pa ko tapos. As I was saying. Hindi lang naman si Lei ang gagabay sayo. Lahat kami. Basta sayo ko ifoforward ang schedules. Magiging busy na kasi ako sa mga susunod na araw. May authorized ID ka na nga pala. So sa mga passes, alam na nilang kasama kita at authorized kita. Natutuwa ako at nakakasundo mo ang banda. Di tulad ng iba na naiilang sila. Tsaka may tiwala ako sayo. Alam kong di mo pababayaan ang banda. Pamilya ka na namin dito Nikki. Maging feel at home ka na sana." naiyak na ko talaga. Hinug ko si Ae Mag. Napakabait niya sakin. Sobra.

"Thank you Ate Mag. Thanks for everything. Thank you for the new family."

"Group hug!" sigaw nilang apat.

S-s-si Ken, Ace at Aidan....

Nakayakap sakin?!?

"Kyah!"

"Nikki!"

"Ay sorry."

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now