Chapter 21 * Comfort Zone

4.1K 79 2
                                    

Nikki's POV


Tinitigan ko muna ang double glass door sa harapan ko at huminga ng malalim. Carry ko this!

Naglakad na ko papasok. Hinaharang ko ang buhok ko sa mukha ko para di nila ako makilala. May ID Pass naman ako kaya kahit di na nila tignan mukha ko ay makakapasok ako. Ay teka...... di naman pala nila ako makikilala no? Naka makeover pala ako.

Dumeretso na ko. Ay jusko po. Saan nga pala dito yung studio nila? Geez.

"Young Lady?" nagbow sakin ang isang matandang babae. Mga nasa 50+ na siya. Nako lagot! Nginitian ko siya ng pilit.

"Mayordoma?"

"Young lady! Napadayo po kayo dito?" hinatak ko siya sa may patagong gilid. Memorize ko naman ang pasikot sikot dito. Nung nasigurado ko na wala nang ibang makakakita samin, niyakap ko siya.

"Mayordama! Namiss kita!"

"Ako din po Young Lady. Mag aapat na taon na po kayong di nagpapakita sa amin at sa Papa mo. Kahit ang mommy mo at kapatid mo."

"Mayordama. Let's just not talk about this. Wala na akong mama. Patay na siya. At sa pagkakatanda ko ay wala akong kapatid. Please. Stop this."

"Yes, Young lady."

"Thank you po."

"Ang laki mo nang bata ka ah? Natuto ka na ring mag ayos. Kamukhang kamukha mo ang Mama mo. Napakaganda mong bata."

"Thank you po Mayordama. Pwede po bang humingi ng pabor? Pwede bang lahat ng mga nakakakilala sa kin sa building na to paki sabi dedmahin lang ako? At kung maaari sana wag niyo pong ipapaalam kay Papa na narito ako. Please po." nagbigay ng isang malalim na buntong hininga si Mayordama saka tumango. Alam kong di siya sangayon sakin pero kahit ganoon, pinagbibigyan niya pa rin ako. Siguro dahil ito na lang ang hiniling ko bago mangyari ang kinaiinisan ko.

"Mag iingat ka young lady."

Isang ngiti ang isinukli ko saka siya niyakap panandalian.

"Mauuna na po ako."

Huling lingon bago ko siya iniwan. Hay nako naman! Saan ko naman hahanapin sila Ken?

*toot toot*

Ano yan? Text yan.

Ay nagtext pala si Lei.

Nikki! Nasaan ka na ba? Nandito kami sa 19th floor. Studio 934. Bilisan mo! Nagagalit na sila Direk.

Eh? Magagalit? Tinago ko na lang ang phone ko tapos umakyat na. Nasa elevator ako ng may nakasabay ako. 

Tinago ko ang mukha ko.

"Alam mo nacucurious ako sa mukha ng anak ni Master." sabi nung isa. Mukha silang mag body guards... ni Papa.

"Ako din eh. Kamukha kaya siya ni Ma'am Eunice?"

"Hindi yata eh. Ang alam ko lang, magkapatid lang sila sa ama. Namatay na raw ang ina nun eh."

"Bakit nga ba namatay?"

"Dahil daw sa anak eh."

"Oh? Grabe naman yun?"

Bumukas na yung elevator sa 10th floor. Lumabas na sila. I bet nandun ang office ni Papa. Sumara yung pinto.

Hindi ko alam pero biglang may tumulong tubig sa pisngi ko.

Huh? May butas ba yung elevator? Maya-maya ay naramdamang kong nanlalabo na ang paningin ko. Luha pala. Kasi naman eh.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now