Chapter 63 * Recording

3.6K 58 2
                                    

Lorilei Anderson's Point Of View~

I kept my eyes at the ceiling. I think 5 days ko nang iginugugol dito sa kwarto ko ang sarili ko.

Bumalik nanaman yung sakit. Di na niya ko mahal? Then fine! Sino siya para lugmukan ko dito? Hindi ko dapat kinukulong ang sarili ko dito. I should be enjoying life!

But ang hirap.

Manager Charlene Marie Calling...

Tinignan ko muna ang phone ko. Siguro ay 10 segundo ko muna siyang tinitigan saka kinuha at sinagot.

"Hmm." tamad kong sabi.

"My ghad Lei! Kahapon pa kita tinatawagan! Hindi mo sinasagot mga tawag ko! What's the matter? Pag tinatanong kita sa mga kaibigan mo ewan lang ang sagot nila! Ano ba?! Balak mo bang itapos career mo?"

"My goodness! 5 days lang akong nawala kung makasigaw nanaman kayo sakin!"

"Ano! Isang mall show na ang di mo inattendan! Ano ba? Napostpone ang photoshoot ng album kahapon! Pati photoshoot ng movie!"

"Oo na oo na! So anong kailangan mo ngayon?"

"What's happening to you Lei? Last week ka pang ganyan. Tomorrow recording niyo na. Naresched ang photoshoot niyo. Itutuloy iyon after 3 days."

"Okay, alright. Aattend ako bukas, okay na?" sabi ko na lang.

"Ano bang nangyayare sayo? I'm your manager and I have all the right to know what's going on with you."

Humugot ako ng lakas para sabihin ito.

"Ace and I, we're over."

"What? What do you mean."

"Break na kami."

"Sorry Lei. But alam mong may upcoming movie kayo. Hindi healthy yan sa inyo lalo na sa fans niyo."

"I know I know.  I'll hang up." Sabi ko at ibinaba na ang phone call. Nakita ko ang 54 missed calls sa phone ko at 78 messages na sa tingin ko ay naipon dahil sa 5 araw kong pag kukukulong dito.

Natapos ang araw. Kinabukasan ay nag ayos na ko para sa recording. Nagsuot ako ng skirt tapos fitted blouse. Nagsuot din ako ng leather arm gloves pero hindi aabot sa daliri. Nakaheels din ako. I used my car and pumunta na sa recording studio.

Pagdating ko dun ay sinalubong agad ako ni Nikki ng yakap.

"Lei! Ano na nangyare sayo! 5 days kang di nagparamdam! Everyday akong nasa inyo! Kung di ka lang nagpapadala ng food everyday iisipin ko nang may nangyare sayong di maga-"

"Chill, Nikki. I'm fine." Sabi ko at umupo sa tabi ni Kim.

"Hi Kim!" sabi ko sa kanya.

"Stop it Lei. Hindi ka nakakatuwa. Di mo kailangan mag mukmok."

"Aww. I missed you too!" inirapan lang niya ko. Natatawa naman ako.

"Ewan ko Lei."

"Okay na ko. Dapat nga masaya na tayo oh! I'm perfectly fine. Nagmomove on na ko. Tuloy ang buhay!" napatingin sila sakin. Nagkibit balikat lang ako.

"Are you all ready?" biglang pasok ni Ate Mag.

"I think so." Sabi ni Kim.

"Halika na. Andun na sila Ivan."

Ako ang unang tumayo. Lord, help me. Give me strength.

"Oh hi!" sabi ko pagkapasok. Ni hindi ko tinitignan si Ace. Hindi dapat maapektuhan ang buong barkada dahil samin. Pumagitna ako kay Aidan at Ivan at Inakbayan sila.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now