Chapter 40 * Return

4K 64 1
                                    

Nikki's POV

"Hi Ate. I miss you."

"Pwede ba Avy."

"Ate naman. Until now? Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sakin?"

"Hindi ako galit."

"Ate naman please? Wag ka namang cold sakin. Alam mo bang miss na miss na kita?"

Hindi ko siya pinansin. Oo. Cold ako sa kanya. Sa nasasaktan ako eh. Siya may nanay ako wala. Ang babaw ba?

Sorry. Wala kasi akong kinagisnang ina. Tanggap ko naman. Tanggap ko na pagkatapos mamatay ni Mama, 2 years after, meron na kaagad si papang bago. Okay lang naman sakin yun eh. Pero di ko pa rin mapigilang masaktan. Lalo na nung nalaman kong di ko pala tunay na ina at kapatid ang inaakala kong nanay at kapatid. At the age of 5 sinabi na nila sakin yun.

"Ate naman. Same old issue ba?" napuno ako bigla.

"Oo. Oo Avy. Yun pa rin. Masakit kasi ikaw may tunay na ina at ako wala! Patay na! Oh ano, masaya ka na? Sarili ko pang lola at lolo, galit sakin! Ano okay na?" tatayo na sana ako nung magsalita siyang muli.

"Ate, kahit naman wala na yung kinagisnan mong ina andiyan naman si Mama eh. From the start tinuring ka na niyang tunay na anak. Di mo ba naramdaman yun? Mahal ka ni Mama, Ate. Mahal kita. Mahal ka namin. Please, Ate. Si Mama lagi ka niyang kinakamusta. Kahit naman umalis ka sa bahay para sa kundisyon mo di pa rin naman napipigilan ni Papa na ipakamusta ka eh. Syempre anak na niya at mahal ka namin."

Tuluyan na kong naiyak. Yun na nga eh. Kahit ganito ako sa kanilang mag ina, maganda pa rin ang turing nila sakin. Eto na ba yun? Kailangan ko na bang palayain ang sarili ko sa nakaraan? Simula dati pa, wala nang masamang ipinakita sakin si Tita Cass. Lagi niya kong inaalagaan. Si Avy, oo. Pangarap ko magkaroon ng babaeng kapatid. Hindi ko alam. Kinakain ako ng pride at inggit.

"Ate please.." naiyak na ko. Lumapit sakin si Avy. Niyakap niya ko. 

Siguro nga ito na yun. It's time to forgive myself. I hugged her back and cried on her shoulders.

"Thank you, Ate. Thank you."

"Sorry Avy... Sorry.."umiiyak na kami parehas. Pagkakalas namin sa yakap nagtawanan kami parehas.

Kumain na kami pagkatapos. Nagkwentuhan at kung ano ano. Ang sarap pala ng pakiramdam pag may kapatid ka. Parang sila Kim at Lei lang.

Natanong na niya ko ng status namin ni Ivan. Sinabi ko na rin naman sa kanya na di totoo yun. Hinayang na hinayang pa nga siya kasi bagay daw kami. Kinilig naman ako.

"Ate, uwi ka na sa bahay please?" nagulat ako sa sinabi niya. Umuwi? Pero may 2 monts pa ko. At hindi pa ko handa. Paano ako magpapaalam sa GB? Paano? Oo nga pala.

After this year, pupunta na kong France.

"Bibisita na lang siguro ako. Pero di ako pwedeng umuwi. Yung dorm ko diba." sabi ko sa kanya. Naikwento ko na naman sa kanya yung tungkol dun kanina.

"Pero Ate the main reason kung bakit kita ngayon mineet kasi..."

"Kasi?"

"Si Papa." bigla akong kinabahan.

"A-anong nangyare?"

----

"Papa..." kanina pa ko iyak ng iyak dito. Si Papa.

"Anak, buhay pa ko. Pero namiss kita. Sobra." niyakap ko si Papa.

"Namiss din kita sobra Papa. Ikaw naman kasi eh! Di mo inaalagaan sarili mo."

"Ikaw naman kasi eh. Apat na taon kang di nagpakita sakin. Ayan. Kailangan maospital pa ko bago mo ko puntahan."

"Papa naman. Nangonsensya ka pa." tumawa lang si Papa. Kailangan pala siyang operahan sa puso. Oo. May sakit kasi si Papa sa puso. Nung umalis ako di pa malala yun. Parang diagnosis pa nga lang eh. Pero ngayon ko lang nalaman na...malala na pala.

"Papa saan ka magpapaopera?"

"Sasama ako sayo sa France anak."

Bigla akong nanigas. A-Ano? I-Ibig sabihin mapapaaga alis ko?

"P-pero Papa.. January pa ang alis ko diba?" Masakit. January. Di ko alam kung paano ako magpapaalam sa ma naging pamilya ko sa GB. At lalong lalo na kay...Kim. Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ko. Apat na taon na kami lang magkasama. Apat. Apat na taon yun. Apat na taon akong naglihim. Natatakot kasi ako na baka maging iba turing nila sakin pag nalaman nilang mayaman ako.

"Anak sorry pero mapapaaga.. Gusto ko kasing makasama ka anak. Hindi sigurado kung magiging successful ang operasyon ko. Gusto ko pag inoperahan ako pag gising ko ikaw ang makita ko anak. Kayong dalawa ni Averry." napapikit ako. Aalis ako ng maaga?

"Sa December 10 ako nakasched ang operation. Anak, pwede ba?" napatango na lang ako kay papa.

"K-Kelan ang flight P-Papa?" nanginginig kong tanong.

"November 15. I need to be admitted there half a month para sa observations. Anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Papa." niyakap ko si Papa. Natulala ako. Magnonovember na. It means....2 weeks ko na lang sila makakasama? Ang sakit. Syempre Papa ko ang pipiliin ko. Pero paano ko sasabihin to sa kanila? Paano?

Iniwanan ko muna si Papa sa loob. Paglabas ko, nandun si Tita Cass. Kaya mo to. Kaya mo to Nikki.

"Uhm, Tita, I mean M-Mama, p-pwede ko po ba kayong makausap?" nagulat si mama pero tumango naman siya.

"Avy, paki bantayan muna si Papa ha."

"Oo naman, Ate. Sige pasok na ko."

---

Dinala ko si Mama sa coffee shop. Nakakaawkward pero ayos lang.

"Uhm, Mama, nilalamig ka po ba? Eto po sweater."

"Salamat...anak." Anak. How I missed to be called by that. Iniabot ko sa kanya yung sweater ko at sinuot niya.

"Kamusta ka na? Ang laki na ng ipinagbago mo. Gumanda ka lalo."

"Thank you po, Ma. Okay naman po ako. Gragraduate na po ako."

"Oo nga anak. Pero OJT ka na lang naman diba? Pwede namang ipadala na lang sa France yung diploma mo."

"Opo, Mama. Kamusta na po kayo? Kayo kayo sa bahay?"

"Okay naman anak. Pero kulang na kulang ang apat na taon namin. Kulang kasi wala ka.." may tumulong luha sa mata ko.

"Mama...sorry po. Sorry." niyakap ko siya. Niyakap niya ko pabalik. Umiiyak na rin siya.

"Anak...ang tagal kong inantay 'tong pagkakataon na 'to na bumalik ka samin ng Papa mo anak. Mahal na mahal kita at sana nararamdaman mo yan..."

"Opo.."

"Anak kahit hindi ka nanggaling sa sinapupunan ko never kitang tinuring na iba. Minahal kita tulad ng pagmamahal ko kay Averry."

"Opo, Mama. Sorry po talaga.. Nainggit po kasi ako kay Avy eh. Siya may totoong nanay ako wala. Dapat pala di ako nainggit. Kasi pantay lang pala kami.. Sorry, Ma. Sorry.."

"Kalimutan na natin yun anak. Mahal na mahal kita.."

"I love you too. Mama."

Nagchikahan lang kami ni mama pagkatapos niyan. Ang gaan sa loob. Sobra. Naitanong niya din yung samin ni Iva. Nahihiya nga ako eh. Maya maya lang ay bumalik na rin kami kay Papa. Tuwang tuwa siya at ayos na kami. Pinakilala na rin ako sa body guards. Mga bago kasi kaya di ako kakilala. Ang saya. Parang nabuo ang pamilya ko.

Sabi ko sa kanila paminsan minsan bibisita na ko sa bahay. Tutal malapit na rin kaming umalis. Pero hirap na hirap ako. Paano na sila Kim? Paano ako magpapaalam. Paano ko sasabihin sa kanila. Magreresign na ko.

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon