Chapter 57 * Broken Friendship

3.3K 52 5
                                    

Kim's POV

"Fuck! Pag talaga si Nikki hindi nakita hinding hindi kita mapapatawad!"

Sigaw iyan ni Ken habang tinuturo si Ivan. Nandito kaming lahat ngayon sa bahay nila Nikki. Si Eunice, Jacob at ang kambal lang ang nandito. Ang kambal nasa kwarto nila. Tulog na. Sa bagay, mag aalas onse na ng gabi. Sila Mama at Papa ay nasa hospital. May mga laboratory tests. Kailangan daw nilang magovernight doon.

"Ken, calm down. Walang magagawa ang pagsisigaw mo diyan." Sabi ni Ace habang kinakalma si Ken. Matalim lang na titig ang ibinigay ni Ken sa kapatid.

"Shut up Ken. Makikita rin 'yon. Lalo na't artista na siya. Pagkakaguluhan siya't eventually, lilitaw."

"Aidan!" patakbo kong inawat si Aidan na sinuntok si Ivan.

"Gago ka pala eh! Ano bang nangyari sayo ha? Hindi ka naman ganyan dati ah? Kung makaasta ka parang hindi mo minahal si Nikki noon! Kung makaasta ka parang hindi mo siya pinahalagahan noon!" Nanggagalaiti si Aidan. Nararamdaman kong nanginginig ang kamao niya. Mabilis niya ring hinahabol ang hininga niya.

"Fuck you Aidan! Pati ikaw may gusto na rin sa fiance ko?! Ano bang pake mo ha?! Ikaw Ken, aminin mo na na hanggang ngayon umaasa ka pa rin!"

"Shut up Ivan kung ayaw mong pati sakin makatikim ka ng sampal." Mariing sabi ni Lei. Nakita ko si Ace na nakatulala lang sa kanila. Para bang may panghihinayang sa mata. Ayoko nang magsalita. Sawa na ko. Naibuhos ko na lahat kanina.

"Will you please shut the fuck up?! Tingin niyo mahahanap natin si Nikki ng ganito? Wala na kayong ginawa kundi mag away, magsigawan at magsuntukan! Hindi ba kayo nahihiya? Ang tatanda niyo na!" Nagulat ako nang sumigaw na si Jacob. Ever since hindi yan sumisigaw o nagagalit. Natahimik ang lahat. Si Ivan naka smirk lang. Gustong gusto kong tapyasin yang ngising iyan.

"Ano na bang nangyare satin ha? Dati rati, magkakapatid ang turingan natin. Pamilya tayo dati eh. Naiintindihan namin kung bakit ka umalis Ivan. Kaya nga tinanggap ka pa rin namin diba. Pero hindi ko lang maintindihan ay ang pagbabago m-" bago pa man matapos ni Ace ang sasabihin niya ay pinutol na siya ni Ivan. Nanlaki ang mata ko nang may nakita akong kumikinang na tubig ang tumulo galing sa mga mata niya.

"Wala kayong alam kaya wala kayong maiintindihan."

"Pwes ipaalam mo samin. Ipaintindi mo sa amin nang maintindihan namin yang pinagdaraanan mo. Diba problema ng isa problema ng lahat? Ivan kasi kung ganito tayo ng ganito, walang mangyayare. Kahit gaano man ang kasalanan mo, tatanggapin at tatanggapin ka pa rin namin kasi magkakapamilya na tayo diba? Isang samahan tayo. Nalulungkot lang ako at nanghihinayang kasi yung minsang samahan na binuo't iningatan natin, unti unti nang nawawasak. Mabuti pa umalis ka na muna. Kami na ang bahala maghanap kay Nikki. Kausapin mo na lang ulit kami pag pareparehas nang malamig ang mga ulo niyo." Nagulat ako sa sinabi ni Ace. Sa kanilang apat, siya ang hindi masalita. Tumayo si Ivan. Naglakad siya ngunit huminto nung nasa pintuan na.

"Magsiuwian na kayo. Nasa bahay lang namin si Nikki."

Ivan's POV

Umuwi na ko kahit ayoko. Tangina! Fuck! Nakakabaklang umiyak! Tinext ako ni Ivana na nasa bahay daw si Nikki. Nakita daw nila sa kalye. Pucha. Sa totoo lang nag alala ako kanina. Ayoko lang umuwi kasi alam ko lalambot ako sa oras na makita ko siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil sabi ko, maghihiganti ako sa kanya. Pero tangina lang! Pag dating sa kanya, lumalambot ako.

Isa pang nakakatangina ay yung mga sinabi ni Kim at Ace sakin. Tagos na tagos. Kung ako man galit sa sarili ko eh. Pero hindi rin nila alam ang mga pinagdaanan ko.

At wala ka ring alam kung gaano siya nahirapan sa ibang bansa. Wala kang alam kung gaano siya nangulila para sa'yo. At wala kang alam kung gaano siya gabi gabing umiiyak dahil sa bawat araw na lumipas, pinagsisisihan niya ang araw na lumayo siya sa'yo. Lahat ng ngiting nakikita mo pag lumalabas siya sa tv? Lahat ng iyon, para lang maitago ang nararamdaman niya. Peke. Ikaw dapat ang nakapansin non Ivan, kasi sa lahat ng tao, ikaw yung nagparanas sa kanya ng tunay na ngiti. Ang laki ng pinagbago mo Ivan. You're worst fucking asshole!

Posible kaya? Posible bang mahal pa rin ako ng babaeng mahal ko pa rin hanggang ngayon?

Walang mangyayare sakin kung puro tanong lang ako. I think it's about time to confront her. I think it's time to know what really happened between us. Nabalot na ko ng takot simula nung nireject ako. Pero walang mangyayare kung matatakot lang ako. I should face my fears.

Nikki my love, no wonder why you are my strength and weaknesses.

Third Person's POV

Nang sinabi ni Nikki na aalis na siya sa bahay nila Ivan, bigla na lang siyang hinimatay. Yun ay dahil nilagyan ni Ivana ng pampatulog ang ininom niyang juice. Hindi alam ni Nikki na kapatid iyon ni Ivan. Hindi rin naman sinabi ng Mommy ni Ivan at ni Ivana na connected sila kay Ivan dahil alam nila ang hinanakit ni Ivan kay Nikki. May mabuting balak si Ivana bakit niya iyon nagawa.

Hindi na niya matiis na nakikitang gabi gabing nagpapakalasing ang kapatid niya dahil lang sa misunderstandings nila. Or more of kasalanan ng mga tatay nila. Everything is going according to her plan. Yan ang nasa isip niya. Hindi nila sinadyang makita si Nikki sa kalye. She never ever thought na magiging ganito kabilis at dali ang lahat. Well thanks to her best friend, Jacob Yu. They are related. Magkamaganak sila. How? That's the secret.

Fangirl to FianceWhere stories live. Discover now