Chapter 37 * Problema

4.3K 75 5
                                    

Nikki's POV

Two weeks na since naging exchange students kami. Isa lang masasabi ko..

Masaya.

Nalalayo ako sa mga posibilidad na magpasakit sa nararamdaman ko sa hinaharap. Mas okay na rin siguro to. Pero aaminin ko namimiss ko na siya. Si...I-Ivan.

So yun nga. Masaya kasi nakakatuwa kasama sila Tristan, Johann and Bret. Si Troy hindi ko makaclose yun. Naiilang kasi ako eh. Present boyfriend yun ng ex ni Aidan. Pero ano naman. Di ko din alam eh.

Minsan pumupunta sa dorm namin sila Aidan, Ace at Ken. Sobrang nagiingat sila kasi baka mahuli sila. So far, di naman sila nahuhuli. Mas nagiging close kami ni Ken. Para sakin naman no deep feelings involve talaga. Pero as manliligaw ang sweet niya. Sobra. Everyday tinetext niya ko. Good morning and good night messages. Yung mga kumain ka na ba? questions. Ganun. Nakakakilig pero as crush lang talaga. Di ko nga alam kung sa lagay ba na ito ay pinapaasa ko ba siya eh. Pero hindi naman diba? Kasi siya ang nag insist. Pero pag iniisip ko na isang Ken park ang nanliligaw sakin kinikilig ako. Pero tuwing gigisingin ako ng hinaharap sa panaginip na yun, gusto ko na siyang tapatin. Kaya lang....alam kong hindi pwede. Ayoko. Freedom ko nakasalalay dito.

"Oy girl. Paki labas na yung mga susuotin nila for photoshoot." sabi sakin nung isa sa mga staff dito.

"Okay po. Ahm, si Manager M po?"

"Nasa dressing room. Kasama ni Kim. Sige una na ko. Kakailanganin na ko doon eh."

Naglakad na ko papunta dun sa dressing room ng may mabangga ako.

"Ay sorry po di k- I-Ivan? A-ah sige una na ko." Iniiwasan ko na nga siya eh. Talaga nga naman, kapag iniwasan mo laging nagpapakita. Pag naman kailangan mo di mo makita.

"Nerd este...N-Nikki pala."  D-did he just call me by name? Napatigil ako bigla.

"B-Bakit may k-kailangan ka?" bakit ba ko kinakabahan? Ewan ko. Siguro kasi.....tinawag niya ko by name? Di talaga ako sanay. Para akong kinabahan.

"Ano, bakit ano. Bakit ka umiiwas?"

"Uy Crush! Hinahanap ka na ni Manager M!"  Thank you Ken! Saved by the bell ako dun ha!

Nag walk out si Ivan. Hala anong probleman nun?

"Naguusap ba kayo?" tanong ni Ken habang naglalakad na kami papunta sa dressing room.

"Ah hindi. Ano, nabangga ko lang siya. Tapos ayun."

"Ahhh...so sasagutin mo na ko?"

"E-Eh?" parang nag init yung pisngi ko.

"Joke lang. Di naman ako nagpupumilit eh." Ngumiti siya sakin ng kay tamis.

Ang awkward. Pagkapasok namin sa dressing room nandun nga si Manager M.

"Hi NikkI!" bati sakin ni Ace.

"Hello."

"Oy Nikki, ang loyalty dapat nasa amin pa rin ha!" sabi ni Aidan.

"Oo nga Nikki! Mas pogi naman kami sa Gear band!" sabi naman ni Ace. Natawa naman ako. Ang gwagwapo nila!

"Oo naman Ace, Aidan. Sa inyo syempre loyalty ko. Namin. Di ba Kim?" sabi ko kay Kim na nagaayos din.

"Oo naman!"

"Nikki girl, pupunta din pala dito sila Tristan eh." sabi sakin ni Lei.

"Oh talaga? Makikita pa rin natin pagmumukha ng mga yun kahit weekend?" pabiro kong sabi na nagtawanan naman sila.

Fangirl to FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon