Chpater 33: Alipin at master

18K 425 31
                                    

Zia

“Hoy! Bilisan mo ngang mag ligpit ng plato! Mag luluto ka pa!” Sigaw ni kuya Zac kay Yuan na hindi alam kung paano mahuhugasan ng mabilis ang tambak sa lababo. Napabuntong hininga nalang ako saka tumigil sa ginawa kong research paper sa isang subject. Naawa ako sa kanya dahil kanina pang umaga sya hindi mag kanda ugaga sa lahat ng utos ng kuya ko sa kanya. Pinag walis sya ng garden, pinag car wash at pinag luto ng pag kain, ngayon naman ay pinag huhugas. Habang tinitingnan ko sya ay hindi ko naisip na gagawin nya lahat ito at masarap sa pakiramdam na dahil yun sa ayaw nya akong ilayo ng kuya ko sa kanya. Tama, ako ang dahilan ng pag hihirap nya, gusto ko sana syang puntahan pero hindi ako pwedeng lumapit sa kanya, utos ni Kuya na hindi kami pwedeng mag usap. Kawawa naman ang Yuan ko.

“Opo, master bibilisan ko na po.”

“Dapat lang dahil nagugutom na ako!” Wika ni Kuya saka umalis para pumunta sa kwarto nya. Tumayo ako at siniguro na wala na si Kuya Zac saka lumapit kay Yuan.

“Yuan, kaya mo pa ba?” Tanong ko. Ngumiti lang sya kahit halata sa itsura nya na nahihirapan na sya. Basa na ang buhok nya sa pawis kaya hindi ko napigilan na punasan yun gamit ang isang malinis na face towel.

“Kayang-kaya, bumalik kana sa ginagawa mo, kapag nakita tayo ng kuya mo, lalong magagalit yun baka mas pahirapan pa ako.”

“Sure ka?”

“Oo, sige na, pag katapos naman nito,magiging maayos na rin ang lahat.” Paninigurado nya. Ito kasi ang huling araw nya bilang alipin ni Kuya Zac. Noong una kong malaman ang tungkol sa kasuduan nila ay natawa ako dahil hindi ko inasahan na ganito ang gusto ni Kuya na gawin ni Yuan, pero ngayon alam ko na kung bakit ito ang pinili nyang kundesyon para pumayag sya sa relasyon namin ni Yuan, dahil gusto nya na mag pakababa si Yuan  sa kanya.

Babalik na sana ako sa sala ng mag salita ulit sya.

“Baby, penge naman isang kiss, para naman gumaan ang pakiramdam ko, pleaseeee.” Pakiusap nya. Hindi na ako nag dalawang isip at agad kong pinulupot ang mga braso ko sa batok nya at binigyan sya ng isang mainit na halik. Kahit doon man lang makatulong ako sa pag hihirap nya.

“Hoy! Talagang dito pa kayo nag lampungan mga lintek kayo! Z lumayo ka sa alipin ko,” Hinatak ako ni Kuya palayo kay Yuan saka nya binatukan si Yuan. “Ikaw naman na tarantado ka, sinamantala mo na wala ako saka mo sinalakay ang labi ng kapatid ko! nakapikit ka pa talaga huh halatang sarap na sarap kang tangina mo!” Singhal nya kay Yuan.

“Kuya, ako ang lumapit sa kanya, kaya wag mo syang pagalitan!” Singit ko saka hinila sya palayo kay Yuan. Ang haranagan talaga nyang mag salita. Naalala ko pa noong mga bata kami, walang pwedeng mang away sa akin dahil siguradong babalatan nya ng buhay, kaya ng umalis sya at tumira sa rancho na pamana ni Lolo Zeke sa kanya ay medyo nawalan ng maingay sa bahay. Siguro kung nag kataon na nandito sya at nalaman nya na pinag tulungan ako ni Trixie at Makki ay siguradong basag-basag na ang mukha ng baklang kapitbahay namin ngayon.

“Wala akong pakialam, basta sya ang may kasalanan kaya wag kanang lalapit sa kanya kasi saksaktan ko ulit yang lambutin na hayop na yan!”

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon