Chapter 16: Breaking the rules

23.6K 398 14
                                    

Yuan

Napahawak ako sa pisngi ko na ngayon ay may pasa na dahil sa lakas ng sampal ni Trixie kanina. Ang sakit ng pisngi ko. Puro tawa at asaran ang bumungad sa akin pag balik ko kanina sa mga kaibigan ko ng sabihin ko ang tungkol sa break-up namin ni Trixie. Nagulat sila dahil sa balita ko. Ang totoo kahit ako hindi ko inasahan na ganun lang kadali na makipag hiwalay kay Trixie. Ang akala ko gagawa pa sya ng malaking eksena. Umiling ako. Ang mahalaga ngayon. Malaya na ako. Bumusina ako para malaman ng guard na nandito na ako. ilang saglit pa at bumukas ang malaking gate.

“Ikaw ng bahala mag park dyan.” Utos ko sa isang driver namin.

“Opo sir.” Sagot nya saka pumasok sa loob ng sasakyan ko. Pumasok ako sa malaking bahay. Ang tahimik ng paligid. Nakakapagtaka dahil hindi ko naririnig ang malakas na tugtug mula sa loob ng kwarto ni Mommy. Mahilig sya sa music kaya laging punong-puno ng buhay ang malaking bahay na ito dahil sa kanya. Umakyat ako sa kwarto ko para mag palit ng damit. Napakunot noo ako ng makita ako ang isang ststus ni Trixie

Patricia Dela Fuente : 31minutes ago.

You Asshole jerk! I don’t need you in my life! You go to go hell! --- Yuan Herrera   

Lagpas isang libo ang likes at maraming mga chismosa ang nag co-comment. Sabi ko na nga ba, hindi pwedeng hindi gagawa si Trixie ng eksena. Ta-tayo na dapat ako ng upuan ng mag pop-up ang pangalan ng pinasan kong si Mimi sa chat box ko.

Mimi: Buti naman natauhan kana!

Yuan: Are you proud of me?

Mimi: Super! I really don’t like that slut for you!

Yuan: Gusto mo next time, madre naman ang i-date ko?

Mimi: You’re so BALIW talaga!!!

Yuan: hahaha! I need to go. See yeah tom, pretty cousin.

Mimi: K.

Nag log out ako saka tumayo para puntahan ang kwarto ni Mommy pero natigilan ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki.Hindi ako pwedeng mag kamali. Binuksan ko ang pinto para makita kung tama ang hinala ko. Nakaupo sa kama ang mommy ko. Ang lalaki naman ay nakatayo sa harap nya.  Napatingin sila sa akin.

“Hi. Son, Bakit hindi ka nag sabi na nakauwi ka na pala.” Bati ni Mommy sa akin saka tumayo para halikan ako sa pisngi at yakapin. Nakatingin lang ako sa lalaking nakatayo. Mag kasing tangkad kami. Pareho ang kulay ng maputing balat namin. Halos i-isang mukha ang meron kami.

“Bakit nandito sya?” Malaming kong tanong kay Mommy. Tumingin sya sa lalaki.

“Your father and I are talking about your future.”

“You’re next in line to be the CEO of Herrera group of companies, but first, you have to be trained.” Utos nya. Umiling ako. Akala mo kung sino syang hari na dadating dito sa bahay namin at uutusan ako na parang aso. Muntik ko na ngang makalimutan na may tatay pa pala ako. Diretso syang nakatingin sa mga mata ko. Si Yvo Herrera. Ang isa sa pinaka mayaman na business man sa bansa. A womanizer, ruthless, dictator and emotionless person that I’ve ever known.  Naikuyom ko ang mga palad. Galit ako sa kanya. Galit na galit.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon