Chapter 39: Separated Lovers (Ikatlong Yugto)

20.2K 392 39
                                    

Yuan  

Napabuntong hininga ako habang nakatingin kay Zia. Naka-short at spaghetti straps sya. Naka-cross arms at nakasimangot. Nag lakad ako at niyakap sya mula sa likod dahil ayaw nya akong kausapin. May business trip akong pupuntahan at isang linggo akong mawawala at nag tatampo sya dahil akala nya ay isang araw lang akong iyon. Late ko rin kasing nasabi sa kanya dahil biglang nag bago ng schedule ang mga ka business meetings ko.

“Love, sorry na,” Hinalikan ko ang balikat nya. “Hindi ko namang kasi alam na mag babago ang schedule eh.” Lalo kong pinulupot ang braso sa bewang nya. “Ayokong Umalis na may tampo ka sa akin.”

Hindi sya nag salita kaya mas lalo akong nababaliw sa kakaisip kung anong dapat kong gawin para mawala ang tampo nya. Fuck. I can’t leave her like this. Hindi ako mapapanatag at lalo lang magugulo ang concentration ko sa business trip dahil sya ang iisipin ko for sure.

Hinarap ko sya sa akin.”Love, babalik naman ako agad eh.” Hinapit ko sya sa bewang at hinalikan ang noo nya. “Tatawag din ako oras-oras para hindi mo agad ako ma-miss.”

Hindi na naman sya sumagot at inalis lang ang kamay ko para lumayo. Sinabunutan ko naman ang buhok ko dahil naiinis na ako at parang gusto ko na rin wag nalang umalis kung ganito lang din naman na nag tatampo sya.

“Hindi nalang ako aalis kung ayaw mo.”

Humarap sya sa akin na sambakol ang mukha. “Nakakainis ka kasi, dapat sinabi mo ng maaga para naman napag handaan ko!”

Muli ko syang hinapit sa bewang. “Sorry na, hindi kasi ako agad na inform ng secretary ko eh.” Hinalikan ko ang noo nya. “Sabi ko sayo dapat babae nalang ang secretary ko para mas efficient eh.”

“Sige subukan mo lang na kumuha ng babaeng secretary at pag bubuhulin ko kayo dalawa!”

Tumawa ako. “Joke lang naman, ikaw talaga napaka selosa mo.”

“Parang ikaw hindi seloso huh.”

Pinag dikit ko ang mga noo namin. “ Oo seloso talaga ako, lalo na pag dating sayo. Aba, ang tagal ko kayang pinag trabahuhan na makuha ka tapos susulutin kalang ng iba. Hindi ako papayag.” I kissed her lips. “Akin ka lang, mula ulo hanggang paa, nahalikan ko na sayo. Nalawayan na kita, kaya akin kana ng buong-buo.”

Kinurot nya ang pisngi ko. “Yuan, pwede bang three days nalang?” Yumakap sya lalo sa akin. “Parang hindi ko kasi kaya ng isang linggo ko.”

Napangiti ako sa sinabi nya dahil pareho lang kami ng nararamdaman. Hindi ko rin kayang malayo sa kanya ng isang linggo. Kung hindi lang talaga kailangan ay hindi ko talaga sya iiwan. Gusto ko pa nga sana syang isama pero marami syang ginagawa sa school dahil busy rin sa mga activities at sa council.

“Don’t worry, pag katapos ng meetings, babalik agad ako dito.” Sagot ko. “Promise.”

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon