Chapter 32: Si Imelda

16.8K 410 39
                                    

Zia

Tatlong araw na simula ang anniversary ng parent’s ko at ng pag dating ng kuya Zac sa bahay. Ang totoo ay nagulat ako dahil hindi sya nag pasabi na uuwi sya, naalala ko rin kasi na ayaw na nyang tumira dito sa manila dahil mas gusto nya ang tahimik na lugar at maraming puno, nature lover kasi si Kuya Zac. Paborito rin sya ng lolo Zeke namin na tatay ni Papa dahil sya ang nakakuha ng latino feature nila minus the chinoto eyes na nakuha nya sa genes ni Mama, na mas lamang naman sa mga itsura namin ni Zam. Saglit akong natigilan sa pag baba ng makita ko syang nanunuod ng T.V. sa sala at prenteng nakaupo. Magulo na medyo mahaba’t kulot ang buhok at makapal ang bigote. Rugged man ang tamang dikrepsyon sa itsura nya.

“Nak ng pucha! Anong kagagahun yun?” Sigaw nya habang nanunuod. Umiling ako. Ito ang isa sa mga namiss ko sa kanya, ang boses nya na akala mo makikipag away lagi. Bumaba ako at tumabi sa kanya.

“Hi kuya!”

“Ohh Z wala kang pasok?” Tanong nya saka muling tumutok ang mata sa pinapanuod.

“Wala pero hinihintay ko lang yung kaibigan ko.”

“Ahhh, may bisita ka palang dadating, sabihan mo lang ako kapag malakas na ang boses ko huh para mahinaan ko.”

“Kuya sa kwarto lang naman kami, kaya solo mo pa rin ‘tong sala.”

“Kamusta naman kayo  dito, balita ko ikakasal kana ah, hindi ko pa na meet ang future brother in law ko, sana bago makauwi sa rancho ipakilala mo sya sa akin.”

“Sige kuya, sasabihan ko si Yuan para mag kakilala na kayo.” Napalingon sya at sumeryoso ang mukha sa sinabi ko. Sana kapag nag kita na sila ni Yuan ay makaya ni Yuan ang presence ni Kuya Zac, sorry for the word pero barumbado kasi ang kapatid ko sa mga taong hindi nya gusto, kaya sana mag kapalayagayan sila ng loob ni Yuan para wala akong maging problema.

“Yuan ang pangalan ng fiancé mo?”

“Oo kuya bakit?”

“Wala, wala naman.” Iwas nyang sagot. Hindi ko alam kung anong meron sa pangalan ni Yuan at bigla syang naging seryoso. Mag tatanong pasana ako pero nabaling ang atensyon ko ng tumunog ang phone ko kaya sinagot ko yung ng makita kong nasa labas ng bahay na si Mimi, may usapan kasi kaming mag kikita ngayon. Napangiti ako ng makita ko si Mimi na mukhang naiinip na nakaupo sa loob ng sasakyan nya. Binuksan ko ng malaki ang gate at pinapasok ang sasakyan nya sa garahe sa bahay.

“Bakit hindi mo pa rin pinapa-tinted ang kotse mo? Paano kapag nakilala ka ng mga fans mo?” Tanong ko habang nag lalakad kami papasok papuntang bahay.

“I’m so tinatamad pa eh.”

“Nako, lagi naman eh.”

“Hayaan mo na, it’s cute naman tingnan right?”

“Oo, pero-“

“Tangna! anong ginagawa ng babaeng yan dito!” Sigaw ni Kuya pag pasok namin ni Mimi sa bahay. Nakita ko ang galit sa mga mata ni Kuya Zac. Hindi ko alam na mag kakilala pala sila. Hindi kasi madalas pumunta si Mimi sa bahay dahil marami syang ginagawa sa showbiz life nya at si Kuya naman ay hindi nakatira dito.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon