Chapter 24: Living together

25.2K 423 27
                                    

Zia

Kanina pa ako nag tatakip ng mukha dahil sa mga ginagawa ni Yuan. Una, nung buhatin nya ako palabas ng clinic, na halos ika-pula ng mukha ko sa hiya, ngayon naman ayaw nya pa rin akong pag lakarin paakyat sa condo kahit kaya ko naman, binati pa kami ng guard ng building na mdalas ko rin makita kapag napunta ako sa condo unit nya.

Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga tingin ng mga impleyado at residente sa building habang nag lalakad si Yuan at buhat-buhat ako patungong elevator. Kanina ko pa gustong sakalin si Yuan, pero hindi ko naman magawa, hindi pa bumabalik ang lakas ko, dahil na rin siguro sa mga ininom kong gamot at hapdi ng mga sugat ko, kaya nanlalata ang buong katawan ko.

“Sir, ang sweet nyo naman ni ma’am.” Kinikilig na wika ng isang employado. Ngumiti ako ng tabingi dahil hiyang-hiya ako. Malilintikan talaga ang lalaking ito sa akin mamaya.

“Salamat. Masama kasi ang pakiramdam nya kaya kailangan kong alagaan.” Balik na wika ni Yuan. Kahit kailan talaga sinungaling ang mokong ‘to. Kasalanan kaya nya kung bakit ako nag kaganito.

Bumukas ang elevator, pero parang mga laggam na nahati sa dalawang pagitan ang mga tao, at kaming dalawa lang ni Yuan ang naiwan sa gitna. Lalo akong nahiya dahil lahat sila nakatingin sa amin, na parang nasa isang red carpet kami ng isang pelikula.

“Sir, mauna na po kayo ni Ma’am.” Wika ng isang lalaki.

“Ahh. Hindi na kayo sasabay?” Tanong ni Yuan.

“Hindi na po.” Sagot ng lahat. Wow, parang silang mga tupa na lahat gagawin para kay Yuan. Ano pa bang inaasahan ko, pag aari ng pamilya ni Yuan ang buong condo building na ito, kaya ganun na lang sya tratuhin ng mga nag ta-trabaho dito.

“Ganun, sige, we’ll go ahead.” Nag tatakang wika ni Yuan saka kami pumasok sa elevator. Nakahinga ako ng maluwag ng sumara iyon. Tumingin ako ng masama sa kanya.

“Nakakainis ka talaga! Kanina pa tayo nagiging center of attraction dahil sa ginagawa mo!” Bunton ko ng sisi sa kanya.

“Bakit? Ano bang ginawa ko?” Maang-maangan nyang tanong. Umiling nalang ako, dahil alam ko naman na walang patutunghan ang pag uusap namin. Dyan magaling si Yuan, ang mag kunwaring hindi nya alam ang lahat, kahit alam na alam naman nya. Kainis!

Pag dating namin sa 10th floor kung nasaan ang unit nya, ay naging at ease na ako, dahil wala ng masyadong mga tao na dumadaan, kaya nawala na rin ang hiya ko. I’m not a fun of PDA’s  and I’m not certainly one of them.

“Zia, kunin mo naman sa bulsa ko yung susi oh.” Utos nya. Kinapa ko sa bulsa nya ang susi at ako na ang nag bukas ng pinto. Maingat nya akong nilapag sa sofa, saka sya nag squat sa harap ko.

“What do you want to eat? hindi kapa kumakain eh.”

“Kahit ano, pero kung may soup ka dyan, yun nalang, wala akong ganang kumain eh.” Sagot ko. Wala sa loob na hinaplos ko ang pisngi nya. Ang kinis ng mukha ng loko. Nakita ako ang pag pikit ng mga mata nya.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon