Chapter 34: The compromise

17.7K 375 43
                                    

Yuan

“Bakit ka nag paalipin sa hinayupak na yun?” Tanong ni Mimi sa kabilang linya.Saglit kong inilayo ang cellphone sa tenga ko dahil halos mabingi ako sa sigaw nya. Nasabi ko kasi sa kanya ang naging kasunduan namin ni Zac kaya ngayon ay inis na inis sya dahil sa pag payag ko.

“Kasi kapag hindi ko ginawa yun, ilalayo nya sa akin si Zia.”

“Naniwala ka naman!”

“Ayokong mag take risk saka may atraso naman talaga tayo sa kanya diba.” Sagot ko. Ang totoo ay hindi ko sigurado kung magagawa nga ni Zac na ilayo sa akin si Zia pero tuwing titingnan ko ang mga mata nya ay nakikita ko na hindi sya nag bibiro. Naalala ko tuloy ang naging laban namin sa arena sa bahay nila. Akala ko hindi ko na makikita si Zia pero sa hindi ko inaasahan ay hindi agad dumapo ang kamao nya sa mukha ko kaya agad akong nakatayo at naunahan syang masuntok sa mukha. Oo panatag na ako dahil ako ang nanalo pero ipinag tataka ko pa rin kung bakit sya nag patalo. Tama, nag patalo sya at yun ang hindi parin mawala sa isip ko. Anong dahilan nya?

“Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin sya maka-move on kay Imelda? Grabe s’ya huh, wala ba s’yang taste?”

“Malay mo, true love nya talaga si Imelda.”

“Anong nagustuhan nya sa babaeng yun? Hindi naman maganda, oo sexy pero pag humarap, mas gugustuhin mo pang tumalikod na lang sya.” Litanya nya. Nakakatawa lang dahil naaalala ko pa ang pustahan namin dalawa. Hindi naman kasi namin dapat seseryosohin yun, kaya lang pareho kaming walang magawa dahil araw ng mga puso at pareho kaming single at naisip namin na bakit ba hindi nalang kami manira ng relasyon para naman may karamay kami sa buhay namin na parehong galing sa fresh break up, kaya ng makita namin na palabas ng isang coffee shop si Zac at Imelda, nag katinginan kami dahil alam na namin na sila ang magiging biktima namin.

“Siguro mahilig sya sa exotic, aminin mo na kasi, na kasalanan talaga natin kung bakit sila nag hiwalay.”

“Wala akong pakialam, matagal na yun kaya dapat ng ibaon sa limot saka napapansin ko na iniiba mo ang usapan, ang tanong ko kung ay kung bakit ka nag paalipin sa hinayupak na yun? You are an Herrera and the next CEO of Herrera of companies for crying out loud!”

“I told you, ayokong mawala si Zia sa’kin, yun lang ang sagot sa tanong mo.”

“Well, buti nalang natalo mo sya, I mean alam ko naman na matatalo mo talaga sya.”

“Ahhh, yun nga ang pinag tataka ko, kasi nag patalo sya.”

“Huh?”

“Alam kong hindi ako lampa, pero ibang klase ang lakas nya, siguro kung hindi lang ako nakailag sa mga suntok nya ay baka sa ospital ako bumagsak.”

“Ganun? Animal na animal ang dating ah.” Biro nya. Umiling nalang ako dahil alam kong ayaw nyang aminin sa sarili nya na mas malakas si Zac kaysa sa akin. Nag angat ako ng tingin ng makita kong malapit na ako sa council office kaya nag paalam na rin ako kay Mimi.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon