Epilogue

37K 661 75
                                    

 Yuan

Nakatingin ako kay Zia habang nakain kami. Wala syang imik habang mabagal syang kumakain na parang may malalim syang inisip kaya hindi na ako nakatiis. Tumigil ako sa pag subo at hinawakan ang kamay nya na nasa lamesa lang din.

“Love, what’s wrong?”

Tumingin sya sa akin at sandaling natigilan. “Wala.”

“Hindi ako naniniwala, bakit tahimik ka, anong problema?” Pilit ko pa. “Tell me.”

Huminga lang sya ng malalim at namasa ang mga mata. Bigla akong kinabahan ng umiyak sya kaya agad akong tumayo at lumuhod sa harap nya. I cupped her face and kissed her lips. “Love, what’s wrong? Why are you crying?” Natataranta na ako dahil mas lalo lang lumakas ang iyak nya kaya niyakap ko sya at binuhat—bride style papunta sa kwarto at inupo sa kama.

Umupo ako sa tabi nya at hinarap sya sa akin. Kumuha ako ng panyo sa isang drawer saka bumalik sa kanya para hawakan ang baba nya at punasan ang mga luha nya sa mata. Nanlambot ako dahil para syang batang umiiyak ng malakas habang panay naman ang alo ko sa kanya. Ayoko syang nakikitang ganito. Mababaliw ako sa pag aalala.

“Love, please tell me what’s wrong with you?” Pag mamakaawa ko. “Wag mo naman akong takutin ng ganito.” Halos maiyak na ako sa nakikita kong nangyayari sa kanya.

Feeling ko may ginawa akong kasalanan kaya sya iyak ng iyak at mas lalo lang akong nag aalala dahil baka bigla nya akong iwan at hindi ko kaya yun. Mamamatay ako kapag nawala sya sa buhay ko.

“Yuan, I’m sorry…” Halos kapusin sya ng hininga sa pag sasalita. “I’m so sorry!”

“Why are you saying sorry?” Kinawakan ko ang mukha nya para tingnan sya sa mata. Kinakabahan ako sa sinasabi nya. Bakit sya nahingi ng tawad sa akin? Anong ginawa nya para mag sorry sya at umiyak ng ganito. Pinunasan ng mga kamay ko ang mga luha nya. Pulang-pula ang mukha nya sa sobrang pag iyak at halos madurog ang puso ko sa nakikita.

Ang daming pumapasok sa isip ko. Paano kung bigla nalang nyang sabihin na mag hiwalay na kami at hindi na nya ako mahal? Paano kung sabihin nya na narealize nya na si Luigi pala talaga ang mahal nya kaya nag sosorry sya sa akin dahil gusto na nyang makipag hiwalay sa akin? Paano kung sabihin nya na hindi na sya masaya at gusto na nyang makipag hiwalay sa akin? Paano kung… kung makipag hiwalay sya sa akin?

Sinabunutan ko ang sarili ko at lumuhod sa kanya. Namumula na ang mata ko at ang init ng pakiramdam ko. Hindi ako makahinga sa sobrang kabang nararamdaman ko. Napupuno ng pawis ang buong mukha ko. “Zia, don’t tell me you want out?” Mahina ang pag kakasabi ko nun na parang hindi lumabas sa bibig ko ang mga kataga dahil ayokong marinig ang isasagot nya.

Hindi sya ang salita at umiyak lang ng umiyak sa harap ko.”I’m sorry…” Sambit nya. Nag simula ng tumiumulo ang luha ko at manikip ang dibdib ko. Tangina anong nangyayari? Hindi ko alam kung makakaya ko ang mga sinasabi nya.

“Hindi! Hindi ako papayag na mag hiwalay tayo!” Kinuha ko ang dalawang kamay nya at hinalikan. “Zia, wag mo akong iiwan, please, alam kong may mga bagay akong hindi mo gusto, pinahirapan kita ng isang linggo, isip bata ako minsan, manyak ako pag dating sayo, hindi ako magaling sa academics pero babaguhin ko lahat yun, please wag mo akong iwan. Mag babago na ako, mahal na mahal kita.”

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon