Chapter 48 : Marry your daughter

22.7K 457 42
                                    

Zia

Nakatingin lang ako sa ring finger ko habang nakislap ang singsing doon. Ang totoo ay hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong tagpo. Kanina ng sabihin ni Yuan na pakasalan ko sya ay automatic ang sagot ng ko oo, tapos nagulat nalang ako sa pag dating ng secretary nyang lalaki sakay ng isang itim na kotse.

Oh my god kasal na talaga kami. Ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko nga namalayan, ngayon ko lang na realize ng matino ang lahat. Napaka smooth ng naging kasal namin na parang planado.

“Zia, anong iniisip mo?” Nabaling ang atensyon ko sa kanya. “Nag sisisi ka ba?”

Saan nya napulot ang tanong?

“Hindi.”

Saglit syang tumingin ulit sa akin. May pag aalala sa mukha nya. “Bakit tahimik ka?”

“Naisip ko lang na ang bilis ng pangyayari na parang planado ang lahat?” Nakita ko ang pag iwas nya ng tingin at ang pag ubo nya sa sinabi ko. “Yuan…plinano mo ba’to?”

“Hindi ah!” Tanggi nya. “Saka galit ako sa’yo diba kya paano ko naman maaisip ang ganitong bagay, bigla nalang din lumabas yung sa bibig ko kasi, sabi mo anong gusto ko para mapatawad kita, naisip ko na hindi kana makakawala kung itatali kita sa akin.”

Nakaramdaman ako ng kilig sa sinabi nya, bahagya pa akong natawa dahil para syang batang nag papaliwanag dahil may ginawang mali. Minsan talaga ay hindi sya marunong mag sinungaling.

Kinuha ko ang isang kamay kaya nya at pinag salikop ko yun sa akin, nasa kalsada ang atensyon nya kaya malaya ko syang napag mamasdan. “Bakit gusto mo akong itali sa’yo?”

Hindi pa rin sya nakatingin sa akin pero humigpit naman ang hawak nya sa kamay ko. “Para wala ng epal na bigla nalang eeksena kung sakaling mawala na naman ako…”

Kinagat ko ang ibabang labi. “Sorry na…“

Hindi sya nag salita at sumimangot lang. Ang akala ko kanina pag katapos ng kasal namin ay magiging maayos na ang lahat pero mukhang nag tatampo pa rin sya sa akin. Naiintindihan ko naman sya pero sana rin ay makita nya na hindi lang naman sya ang nasaktan sa mga nangyari.

“Yuan, uuwi ako sa amin.”

“Ano?” Sigaw nya. “We’re married, kaya dapat mag kasama tayo, bakit ka uuwi?” Binitawan nya ang kamay ko para mag adjust ng gear.

“Syempre kailangan kong umuwi para sabihin sa parents ko na kasal na tayo.”

“Gusto ko na ng honeymoon…” Bulong nya pero hindi ko narinig.

“Ano yun?”

“Wala!” Sumimangot ulit sya. “Sabi ko uuwi kita sa inyo.”

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon