Chapter 27: Tampuhan

20.2K 416 26
                                    

Yuan

Pauwi na sana ako ng tawagan ako ng mga kaibigan ko, kaya agad akong sumunod sa kanila sa bar na lagi namin tinatambayan. Gusto ko na sanang mag pahinga pero hindi ko naman kayang tanggihan ang mga mokong dahil ilang beses na rin akong hindi nakakasama sa gala namin dahil si Zia ang lagi kong inaasikaso, kaya alam kong kailangan kong bumawi. Pag dating sa bar ay malakas na tugtug agad ang sumalubong sa akin, tumingin ako sa paligid para hanapin ang mga kaibigan ko pero sa dami ng tao na nakaharang sa daan ko isama pa ang dilim ng paligid ay hindi ko agad sila nakita.

Sanay ako sa ganitong lugar pero parang naninibago ako at hindi ko alam kung bakit. Luminga-linga ako bago ko nakita ang mga kaibigan ko sa isang table na nag tatawanan kaya agad akong lumapit sa kanila.

“Ohhh! Nandito na pala ang good boy!” Kantyaw nila sa akin pag lapit ko. Tumawa lang ako at pinag babatukan sila.

“Mga baliw!”

“Dalawang linggo kang hindi nag pakita sa amin huh.” Simula ni Mico.

“Oo nga, hindi na nga namin mahagilap si Atom tapos ikaw hindi rin nag papakita.” Dagdag ni Rico.

“Hindi ko nga din ma-contact ang isang yun eh, ano bang nangyari?” Wala akong balita sa kanila dahil busy rin ako sa sarili kong problema.

“Ang huling balita namin, nag hiwalay na sila ni Ella.” Rebelasyon ni Mico.

“Hindi nga namin alam kung nasaan ang lintek na yun ngayon eh.” Singit pa ni Rico.

Nagulat ako sa sinabi nila dahil kitang kita ko kung paano mahalin ni Atom si Ella kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa balita na hiwalay na sila. Tumingin ako sa katabing babae ni Mico. Hindi ko sya napansin kanina dahil busy ako sa pakikipag usap.

“Ay nga pala pare, si Sophie pala.”  Pakilala ni Mico sa babae.

“Hi, I’m Yuan. Nice meeting you Sophie.” Wika ko saka nakipag kamay sa kanya. Inabot nya ang kamay ko at yumuko. Mukhang syang mahiyain. Tumingin ako kay Mico na tumaas pa ang dalawang kilay sa akin na parang sinasabing jackpot ako dyan. Umiling ako dahil alam ko na ang ibig nyang sabihin.

“Eto naman si Kara.” Pakilala rin ni Rico sa babaeng kasama nya.

“Hi, kara, I’m Yuan.” Nakipag kamay ulit ako. Maganda ang babae at sexy mag damit. Mukha syang model.

“Yuan, isang shot tayo!” Wika ni Mico saka ako binigyan ng isang baso. Kinuha ko yun saka namin inangat ang baso sa ere. Inisang lagok ko ang alak.

“Woah! Pare, hindi ako pwedeng mag lasing huh.” Paalala ko sa kanila.

“Taena, good boy na good boy ah.” Mura ni Rico.

“Tingnan nga natin kung hanggang saan yan.” Hamon ni Mico saka may tinawag na isang babae at pinaupo sa tabi ko. Tumingin ako ng masama sa kanila na parehong nakangisi.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon