Chapter 12: Alam nya ba

26K 386 12
                                    

Yuan

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Tumayo ako para patayin ang lintek na alarm clock at bumalik sa pag tulog. Puyat ako at walang tulog dahil halos umaga na kami natapos sa inuman ng barkada. Ang sakit ng ulo ko. Di ko alam kung papasok ako o mananatili nalang dito sa kama ko haggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Hinilot ko ang ulo ko. Kaya ko na rin naman tumayo pero tinatamad lang talaga ako.

Sa sobrang saya ng birthday party ko kagabi halos ubusin ko lahat ng alak sa paligid ko. Bigla kong naalala ang dahilan ng pagiging masaya ko. Zia’s birthday gift. Napangiti ako at gumaan ang pakiramdam ko. Bakit ba sa tuwing pumapasok yun sa isip ko nag iiba ang timpla ng mood ko. Gloomy then became happy.

Napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si Mama. Umupo sya sa gilid ko at humalik sa pisngi ko.

“Good morning son, how’s your sleep?” malambing nyang sabi saka hinaplos ang pisngi ko. Dito ako sa bahay hinatid ng mga kaibigan ko dahil lasing ako. hindi ko maalala ang ibang detalye kung paano ako napunta dito sa kwarto ko.

“Morning mom, Ayus lang. medyo masakit ang ulo ko pero kaya ko naman pumasok.” Sagot ko saka humalik sa pisngi nya. Iba ang pakiramdam kapag si mama ang kasama ko. Pakiramdam ko hindi ako si Yuan na Varsity sa school. Hindi ko kailangan maging cool guy sa harap nya. Kapag kasama ko sya, ako lang si Yuan na bata at anak nya. Mama has so much love for me. She’s the most important person in my life right now. She’s the reason why I am still sane. She’s my light and my direction. She’s my life.

“Hay nako, napapadalas yang pag inom-inom mo baka mag kasakit ka nyan huh.” Saway nya sa akin. Natawa lang ako. ang pinaka gusto ko kay mama yung kahit na nagagalit sya malambing pa rin mag salita. Sya ang pinaka malambing na taong nakilala ko. Hindi nya kayang magalit. Kaya nga kahit na iniwan kami ni Daddy  pinatawad pa rin nya. Simula ang umalis si Daddy sa bahay. Kinalimutan ko na na may ama ako. para sa akin, si mama lang ang pamilya ko. She’s all I have.

“I’ll take care of myself don’t worry ma.” Sagot ko.

“Oh may pasok ka ba ngayon? 9am na. naririnig kong tumunog ang alarm mo kanina.”  Paalala nya. Bigla kong naalala na may program palang gagawin ang team sa school. 8am ang call time pero 9am na nandito pa rin ako sa bahay. Kinuha ko ang cellphone ko. Nasapo ko ang noo ko. 19 missed calls galing sa ibat ibang tao.five of them came from Zia, siguradong kanina pa sya galit na galit. Sya ang organizer ng event kaya alam kong kanina pa sya aligaga. Patay ako nito.

“Ohh no! late na ako sa program namin!” Tumayo ako saka pumasok sa banyo. Natawa lang si Mama sa akin pero panay ang bilin nya sa akin na next time daw know my priorities para daw hindi ako nag ca-cramming sa mga gagawin ko. Pag labas ko nag banyo naka bihis na ako. wala na si mama sa kwarto. Kinuha ko ang car key at wallet ko saka bumaba. Naabutan ko si mama sa sala na nag hahanda ng pag kain. Tumanggi ako na kumain pero pinilit nya kaya wala akong nagawa.

She’s always like this. She wants to feed me all the time. Para daw maging malakas ako at hindi dapuan ng sakit. Mom knows how to take care a kid. I’m so lucky to have her. Pag katapos kong kumain. Tumayo ako saka humalik sa noo nya.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon