Chapter 40: Moving on

16.2K 335 27
                                    

Zia

Nakatingin ako sa papers na nasa desk ko at pinag aaralan ang bagong project na gagawin ko para sa council. Nag bigay kasi ako ng proposal na bigyan namin ng isang concert ang mga bata sa foundation at wala naman umagal sa mga kasama ko sa council kaya ngayon ay inaayos na namin ang mga permit para payagan kaming gumawa sa labas kahit na pangalan ng school ang dala namin.

Napatingin ako sa cellphone sa gilid ko ng tumunog yun. Ayoko sanang sagutin pero mas maiirita lang ako kapag patuloy yung tumunog ng tumunog. Kinuha ko ang cellphone at sinagot yun.

“Hello?” Bungad ko. Saglit kong iniwan ang pag babasa sa papers na hawak ko.

“Are you done?” Tanong ni Rico. “Sunduin kita dyan?”

Tumingin ako sa relo. 5pm na pala ng hapon. “Sige.”

“Okay, punta na ako dyan.”

“Okay. Bye.”

Huminga ako ng malalim pag katapos kong kausapin si Rico sa telepono. Tatlong buwan na ganito ang nagiging routine. Palitan silang tatlo nila Mico at Atom sa pag sundo sa akin at pag sama sa akin sa kung saan man ako pumunta. Naalala ko pa kung saan nag start yun.

Nang araw na mawala si Yuan…

Pumikit ako para pigilan ang luhang gustong tumulo sa mata ko. Hanggang ngayon sobrang sariwa pa rin ang sakit sa puso ko. Namamanhid ang buong katawan ko at nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko sa tuwing naaalala ko ang araw na yun. Kinuha ko ang salamin sa loob ng bag ko at pinagmasdan ang sarili.

Kung titingnan ay parang wala naman nag bago sa akin. Palagi pa rin akong pumapasok sa school at ginagawa ang duty ko bilang president ng student council. Sa bahay naman ay normal din ang mga kilos ko. Kahit ang mga magulang ko ay hindi rin masyadong nag tatanong kung okay ba ako dahil ipinapakita ko na okay ako at hindi dapat silang mag alala sa akin. Kahit ang mga tao sa council ay maingat din sa mga sasabihin nila sa akin lalo na kapag minsan ay nababanggit nila ang pangalan ni Yuan dahil alam nila ang nangyari. Lahat alam ang pag kawala ni Yuan. Lahat nag luksa sa pag kawala ni Yuan. Lahat naka-move on. Lahat maayos na. Lahat sila maliban sa akin.

Ibinalik ko ang salamin sa bag at inayos ang mga gamit ko dahil anytime soon ay dadating na si Rico para sunduin ako at hindi nga ako nag kamali dahil tatlong katok ang pumukaw sa atensyon ko saka yun bumukas at niluwa si Rico na naka itim na t-shirt saka denim jeans habang nakasukbit sa balik ang university bag nya.

“Ready?” Tanong nya pag pasok ng council.

Tumango ako at tumayo sa upuan para lapitan sya. “Hindi nyo na ako kailangan sunduin. Kaya ko naman ang sarli ko.”

Umiling sya. “Mahirap na baka kung sino-sino na naman ang yakapin mo.”

Inirapan ko sya. “Hindi na yun mangyayari…” Sagot ko. “saka okay na ako.” I lied because I will never be okay. I will never forget what happened.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon