Chapter 19: I don't care about her

20.8K 347 34
                                    

Yuan

Isang linggo na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ayoko naman sanang isipin pero minsan sumasagi pa rin sa akin yung mga nangyari. Umiling ako. Para lang sa isang babae, nag kakaganito ako. Para akong tanga alam ko, kaya titigilan ko na ang kahibangan ko.

Pinarada ko sa isang gas station ang sasakyan ko dahil hindi kayang makapasok sa makipot na daan. Maliit lang ang bahay nila Meanne. Ang totoo, squatters area na nga ang lugar nila. Noong una akong pumunta sa kanila, pinag titinginan ako ng mga tao. Alam kong gwapo ako kaya normal lang na pag tinginan ako.

“Nadyan na pala yung mayaman at gwapong boypren ni Mehh-ann.” Bulong ng isang ginang habang nasa isang lamesita at nag lalaro ng mahjong kasama ang nanay ni Meanne.

“Oyy ikaw pala Yowan!  Si Mehh-ann ba hinahanap mo? Nasa loob puntahan mo nalang!” Haragan na wika sa akin ng nanay ni Meanne. Mukha na syang pinag lipasan ng panahon sa suot nyang daster habang panay ang hithit ng yosi.

“Sige po, aling Pasita. Pasok lang ako sa loob.” Wika ko. Papasok na sana ako ng mag salita sya kaya napahinto ako sa pag lalakad.

“Yowan! Pwede bang makihiram ng pera dyan kahit isang libo lang. Wala na kasi akong pantaya eh.” Wika nya. Dumukot ako ng isang libo sa bulsa ko at binigay sa kanya.

“Eto po.” Wika ko. Nag liwanag ang mukha nya saka mabilis na kinuha ang pera sa palad ko.

“Oy! Salamat ah! Sige pasok kana sa loob!” Taboy nya sa akin. Pumasok ako sa maliit na bahay nila. Hindi ko alam kung paano sila nakakatagal sa ganito kaliit na bahay. Umupo ako sa sofa para hintayin si Meanne.

“Kuya Yuan! Nasa taas sa ate Meanne puntahan mo nalang.” Wika ng kapatid ni Meanne na halos ka edad lang ni Zam. Naka-uniform na sya at papasok na rin.

“Anong year mo na? Mae?” Tanong ko.

“4th year highschool na po.” Sagot nya. Hindi sila mag kamukha ni Meanne.  Ang alam ko kasi mag kaiba sila ng tatay. Nag labas ako ng limang daan at inabot sa kanya.

“Baon mo.” Wika ko.

“Nako salamat kuya Yuan! Ang bait mo talaga, sana ikaw na ang mapangasawa ni Ate Meanne.” Masaya nyang wika. Ngumiti lang ako.

“Sige na. Pumasok kana.” Taboy ko sa kanya. Tumango sya at masayang umalis ng bahay. Alam kong minsan lang sya makahawak ng ganun pera dahil kapos sila sa buhay.

Sa isang linggo na kasama ko si Meanne saka ko lang nakita ang kabilang side ng  buhay: Ang kahirapan. Umakyat ako sa makipot na hagdaan. Dahil maliit lang ang bahay ay nakita ko agad si Meanne na nag susuklay sa kama.

“Kanina ka pa?” Tanong nya. Tumayo sya at sinunggaban ako ng halik sa labi. Hinila nya ako pahiga sa kama at pumatong sa akin.

“Kakarating ko lang din…” Bulong ko habang hinakalikan nya ang leeg ko. She bit my lower lip and slid her tongue inside my mouth. I roam my hands around her waist. Kapag nag sosolo kami ng ganito, walang pinapalampas si Meanne.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon