Chapter 10: I HATE HIM

28.7K 415 61
                                    

Zia

Maaga akong nagising kahit na halos hindi ako nakatulog dahil iniisip ko ang final exam namin sa logic medyo baba kasi ako doon. Ang hirap naman kasi! Feeling ko tuloy ang baba ng reasoning ko dahil sa subject na yun pero hindi naman ako papayag na bumagsak nalang ng ganoon.

Pinilit kong bumangon pero hindi ko kaya!

Agad akong humiga para muling matulog. 4am palang ng madaling araw kaya may isang oras pa ako upang matulog para pag dating ng 5am maliligo na ako at papamasok.

“Ate Z! 5am na! bumangon kana dyan!” Sigaw ni Zam. Pag tingin ko sa kanya naka uniform na sya. 4thyear highschool na ang kapatid ko at malapit na rin tumuntong sa college. Bumangon ako kahit nakapikit pa rin ang mga mata. Lumapit si Zam sa akin at hinila ako papuntang banyo.

“”Ate Z Maligo kana! Male-late tayo, maagang umalis si Daddy at Mommy kaya ikaw ang mag hahatid sa akin ngayon.” Sabi nya. Kinuha ko yung towel saka pumasok sa loob ng banyo.

Pag katapos kong maligo nakita ko si Zam na kumakain ng breakfast habang hinahanda ni manang linda ang baon nitong pag kain sa school. Tumabi ako kay Zam at kumuha ng pag kain.


“Kumain lang kayo ng kumain para hindi kayo dapuan ng sakit.” Paalala ni manang Linda.

“Yes, manang.” Sabay naming sabi ni Zam. Pag katapos kumain pumunta na kami ni Zam sa kotse ko para umalis.

“Ate Z anong balak mo ngayong summer?” Tanong ni Zam. I looked at her. I don’t know what to say. Suddenly, Yuan’s face flashes in my mind. Damn!

“Di ko pa alam eh.” Tipid kong sagot. Bigla kong naalala yung sinabi ni Yuan sa akin. Tunkolng sa “one week real boyfriend and girlfriend thing and he will leave me forever”. Totoo kaya yung sinabi nya? Hindi ko kasi sya sinagot. Iniwan ko syang mag isa.

Pag dating namin sa school ni Zam agad syang nag paalam at bumaba sa kotse ko. Nag da-drive ako ng tumunog yung phone ko. Hindi ko na nagawang tingnan kung sino yun dahil busy ang mga mata ko sa daan.

“Hello?” Tanong ko. Humigpit ang hawak ko sa manibela ng marinig ko kung sino ang nasa kabilang linya.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon