Chapter 30 : Pagod na.

19.8K 445 23
                                    

Yuan

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko, dahil sa naging bakasyon namin ni Zia ay lalo pang tumibay ang relasyon na binubuo namin, at masaya ako dahil maayos kami. Napangiti ako ng maalala ko kung gaano sya ka-passionate sa kama, aaminin ko na hindi ko inasahan na grabe ang kasiyahan na ibibigay nya sa akin pag katapos namin mag katampuhan, at dahil doon ay lalo pa akong nahulog sa kanya, hindi ko alam kung makakaahon pa ako.

“Alam mo pare, sayang si Zia eh.”

“Tama, taena kay Yuan lang babagsak, aaminin ko hindi sila bagay ni Luigi, pero hindi rin naman sya bagay dun sa Yuan na yun.”

“Ang perfect girl at ang jerk ass.”  Wika ng isa saka sila tumawa.

Naikuyom ko ang mga kamay pag karinig sa pinag uusapan nila. Anong karapatang nila na pag usapan kami. Sa inis ko ay hindi ko napigil ang sarili na sugurin sila at pag susuntikin. Taena nila.

“Yuan!” Sigaw ni Zia saka ako hinatak para ilayo sa dalawang lalaki. Tinanong nya ako pero hindi ako sumagot at nanahimik lang para kalmahin ang emosyon ko. Pinunasan nya ang dugo sa labi ko.

“Wala,wag mo ng pansinin yun.” Niyakap ko sya ng mahigpit. Bigla akong natakot sabihin sa kanya ang mga narinig ko dahil ayokong isipin nya din na hindi kami bagay..

Hanggang pag uwi ay hindi nawala sa isip ko ang mga narinig. Alam kong hindi dapat ako mag paapekto pero hindi ko mapigilan. Gusto kong hanapin ang dalawang lalaki mga chismiso at bugbugin ulit.

“Yuan, are you okay?” Napalingon ako sa Zia. Ngumiti ako at tumango.

“Yes. Pagod lang.” Ayokong mag alala pa sya, marami syang ginagawa at ayokong makadagdag pa.

“Nakausap ko na pala yung dalawang lalaking binugbog mo kanina, nakumbinsi ko silang wag ng mag reklamo sa discipline comity.”

“Thanks.”

“Ano ba talagang nangyari?”

“Wala, nag kainitan lang.”

“Pero-“

“Sige na, pumasok kana sa loob. Wag mo nang isipin ang gulo ko, kaya ko’to.” Putol ko sa sinasabi nya. Ayoko ng pahabain pa ang pag uusap dahil baka hindi ko mapigil na umamin sa kanya. Hinila ko sya para halikan sa labi ng akmang mag sasalita na naman sya.

“Yuan…” Daing nya.

“Zia, I can handle this. Sige na pumasok kana sa loob. See you tomorrow.” Lambing ko saka muli syang siniil ng halik sa labi.

“Ingat sa daan.” Wika nya saka pumasok sa loob ng bahay nila. Pinaharurut ko ang sasakyan. I have to talk to my mother about the engagement.  Pag pasok ng mansyon ay agad kong hinanap ang mommy ko pero natigilan ako ng makita ko si Yvo na nakaupo sa sofa at nanunuod ng TV.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon