Chapter 7: CLOSE

37.1K 431 23
                                    

Yuan 

Hindi ko alam kung bakit nag papagwapo ako kanina pa ako nag papalit ng damit pero pakiramdam ko hindi parin bagay sa akin hindi naman ako dating ganito saka pupunta lang naman ako sa bahay nila Zia pero yun nga ang dahilan kung bakit ako ng kakaganito dahil pupunta ako sa bahay nila..

gusto ko na maganda yun maging tingin sa akin ng pamilya nya lalo na ng magulang nya.

pero bakit? naguguluhan na talaga ako sa sarili ko! nag bihis ulit ako at tumingin sa salamin 

"Okay na nga to."   lumabas ako ng kwarto ko saka sumakay ng kotse sinigurado ko muna na maayos na ako kailangan maging perfect yung tingin sa akin ng pamilya ni Zia..

tinexts ko din sya na papunta na ako pero di sya nag reply alam ko naman kung saan sya nakatira ngayon lang talaga ako nag karoon ng dahilan para makapunta sa bahay nila dahil  hindi naman kami close sa school hindi nga kami nag uusap parang di kami mag kakilala ..

--------------------

pag baba ko ng kotse bigla akong kinabahan bakit ganito parang gusto ko ng umuwi pero wala ng atrasan to! nandito na ako saka mukhang mabait naman parents ni Zia kapag nakikita ko sa ballroom pero syempre wag kampante.

Pag tingin ko sa bahay nila malaki yun  may garden pa nga nag door bell ako sa gate nila pero walang nasagot naka tatlo ako bago may isang babaeng teenager na lumabas kamukha sya ni Zia kaya maganda din sya pero bata pa.

"Hi! i'm Yuan Herrrera Zia's classmate is she here?" tanong ko sa batang babae tiningnan nya ako mula Ulo hanggang paa kaugali din ata to ni Zia baka mataray 

"Nasa loob sya pasok." sabi nya saka ako pinag buksan ng pintuan nakasunod lang ako sa kanya 

"Anong pangalan mo kapatid ka ba nya?" tanong ko ulit 

"Yeah i'm Zam." tipid nyang sabi medyo Zia din ang ugali bigla akong kinabahan paano kung ganito din ang mga magulang  lagot na 

pag pasok namin sa bahay maganda yun parang ang sarap na laging nandun kaya pala hindi pala gala si Zia kasi nakakarelax sa bahay nila.. 

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon