Chapter 28: Masaya kana?

19.1K 470 49
                                    

Yuan

Nakatingin ako sa nag lalakad na si Zia, Nakaramdam ako ng inis ng mag paalam sya kay Rico at hindi sa’kin. Alam kong naiinis sya sa’kin dahil hindi ko sya pinapansin, naiinis kasi ako dahil hindi nya sinasabi sa akin kung anong mga ginagawa nya. Ako ang fiancé nya tapos sa ibang lalaki sya nag papaalam. Ano yun gaguha? Nakakawala ng mood.

“Alam mo ang tanga mo.” Pukaw ni Mico. Tumingin ako sa kanya

“Bakit naman?” Sagot ko. Ano na naman ang ginawa ko, lagi nalang ako ang may mali kapag nag aaway kami ni Zia. Minsan feeling ko mas kampi sila kay Zia kaysa sa’kin.

“Kasi hinahayaan mo ang fiancé mo na mag lakad ng mag isa.”

“Alam mo kasi, maganda ang fiancé mo, matalino pa, sexy pa-“

“Sige Rico ituloy mo pa at dudugo na yang bibig mo.” Banta ko. Hindi matanggap ng tenga ko ang mga sinasabi nya. Gusto ko na ako lang ang nakakapansin ng mga sinasabi nya. Ako lang.

“Seloso ka pala?” Wika nya saka tumawa. Lalo pa akong naiinis sa tuwing naaalala ko na sya ang dahilan kung bakit kami nag away ni Zia. Inakbayan ako ni Mico at tinapik sa likod.

“Yuan, tigilan mo na kasi yang pagiging isip bata mo at humingi kana ng sorry.”

“Oo nga, hindi mo ba naisip na nag effort pa yan na sumama dito imbes na atupagin ang mga school works nya, sige ka, kapag yan, nakahanap ng mas gwapo sa’yo dito, iyak tawa ka.” Dagdag ni Rico. Naikuyom ko ang mga palad, habang iniisip ko na may ibang lalaking kayakap si Zia.

“Arghhh! Subukan lang nilang agawin ang AKIN, hindi na sila sisikatan ng araw!” Sigaw ko saka mabilis na nag lakad para sundan ang babaeng nag papasakit ng ulo ko.

“Sabi sa’yo konting push lang yan eh.” Dinig kong wika ni Mico.

“Patay na patay eh.” Dagdag ni Rico.

Hindi ko na pinansin ang sinabi nila, kinuha ko ang puting t-shirt at dire-diretso akong lumakad para makalapit agad kay Zia. Saglit akong huminto ng malapit na ako sa kanya. Mabagal syang nag lalakad na parang nag iisip. Ano kayang iniisip nya? Ako kaya? Pinag aralan ko ang itsura at galaw nya. Naka-dress sya na hanggang hita na pinarisan nya ng headband ribbon. Ang sarap nya sa mata kaya hindi na ako mag tataka kung pati mga lalaki dito sa beach ay nakatingin din sa kanya, because she’s so pretty to ignore.

Tumingin sya sa dagat at pinanuod ang mga nag susurfirng doon. Pinapanuod nya rin kaya kami kanina habang nag susurf kami? Para akong nakakita ng isang napakaganda tanawanin habang tinitingnan ko sya na nasisinagan ng palubog na araw. Masyado na akong na huhumaling sa kanya.

“Hi miss, are you alone?” Tanong ng isang lalaki kaya agad ang salubong ang mga kilay ko. Ang lakas ng loob ng gago na lapitan ang pag mamay-ari ko. Tang-ina. Lalapit na sana ako ng mag salita si Zia.

“No, I have a fiancé.”

“But where is he?” Mapilit na tanong ng lalaki. Nakita kong natigilan si Zia at mukhang nag iisip kung anong issasagot.

Secret loversWhere stories live. Discover now