Chapter 11: So close

27.6K 409 60
                                    

Yuan

Nakaupo ako kasama si Trixie habang nakatingin sa mga taong nag sasayaw sa dance floor. Maingay ang paligid at masaya pero hindi ko manlang maramdaman na nag e-enjoy ako.

“Baby, are you okay?” Tanong ni Trixie. Pinulupot nya ang mga kamay sa bewang ko at nilagay ang baba sa balikat ko.

“Yes. I’m just tired.” Tipid kong sagot. Totoo naman na pagod ako kaya tinatamad din akong mag gagalaw.

“Sayaw nalang tayo para mawala yang pagod mo..” Bulong nya sa tenga ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

“Ikaw nalang, dito lang muna ako.”

“Are you sure?”

“Oo naman, sige na mag sayaw kana.” Sabi ko. Ngumiti naman sya at  hinalikan ako sa labi.

  

“I’ll be right back.” Sagot nya saka pumunta ng dance floor at nag sayaw. Pinapanuod ko lang sya ng biglang mapako sa isang couple na nag sasayaw ang mata ko.

I saw Zia and Rico dancing while laughing. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at biglang na buhay ang dugo ko sa galit. Ang saya saya nila, ngayong ko lang din nakitang ganyan kasaya si Zia.

Pag mag kasama kami parang palaging kailangan namin mag ingat dahil baka may makakita, laging alerto si Zia na para bang kriminal ako na hindi nya dapat samahan, pero ngayon habang mag kasayaw sila ni Rico nakikita kong kumportable sya. Bagay na hindi ko nakikita kapag kami ang mag kasama.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tinawagan sya. Ayaw nya pang sagutin nung una pero may binulong si Rico kaya tumawa sya at sinagot yun. Lalo tuloy nag  init ang ulo ko.

“Hello-“

 “Go back to your chair now!” Utos ko sa kanya. Nakita kong tumaas ang kilay nya, mukhang hindi nya alam na nakikita ko silang nag sasayaw ng best friend ko.

“Bakit naman kita susundin? Tatay ba kita?” Asar nya. Lalo akong nainis dahil sa sagot nya. Talagang ginagalit nya ako! tumayo ako habang kausap pa rin sya sa phone.

“Kapag hindi ka bumalik sa upuan mo, hahalikan kita para makita ng mga tao at malaman nila akung anong meron sa atin dalawa.” Banta ko. Nakita kong natigilan sya. Parang nag iisip. Buti naman at natinag sya sa sinabi ko.medyo nawala ang inis ko at napalitan ng ngiti sa mga labi ko.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon