Chapter 31: Isip at puso

18.3K 463 49
                                    

Yuan

Para akong pinatay sa narinig. Hindi ako makagalaw ng makita kong umalis si Zia sa harap ko. Ano bang ginawa ko, bakit ko sya sinigawan ng ganun. Nabigla lang kasi ako, sobrang pagod na ang katawan ko at isip ko dahil sa loob lang ng isang linggo ay nag bago ang buhay ko at masyado akong nabigla sa mga pangyayaring yun. Inatake sa puso si Yvo due to high blood sugar at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya gumigising. Pag dating ko sa ospital ay walang humpay din ang iyak ni mommy, yun ang unang beses ko syang nakitang umiyak ng todo dahil kay Yvo, kahit ng mag hiwalay sila ay tahimik lang si mommy at ni hindi nag salita, ang akala ko nga noon ay wala syang pakiramdam dahil sobrang sakit maiwan, dahil ako, sobrang iniyakan ko ang pag alis ni Yvo para sumama sa isang babae, pero ng makita ko si mommy na umiiyak, doon ko narealize na, mahal nya parin ang ama ko. Hindi nya lang ipinapakita, siguro dahil takot na syang umasa at masaktan ulit.

Tumingin ako sa pintong nakabukas. Kanina habang mabagal na nag lalakad si Zia palabas ay hindi ko alam kung pipigilan ko sya, hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya at lalong hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. Alam kong nasaktan ko sya, parang gusto ko rin iuntog ako ulo ko sa pader ng makita ko ang mga luha sa mata nya, alam ko, pinipigil nya lang ang emosyon nya dahil ayaw nyang ipakita sa akin na nasaktan sya sa mga sinabi ko.

Ang gago ko talaga, dahil ang sabi ko ay kailangan maging worthy ako para bumagay sa kanya, pero anong ginawa ko, lalo ko lang ipinapakita na hindi ako karapatdapat sa kanya.

Paano kung totohanin nya na mag hiwalay na kami? Kakayanin ko ba? Syempre hindi.

Tumayo ako at mabilis na tumakbo papasok ng elevator, kailangan maabutan ko sya, dahil kung hahayaan ko syang umalis, matutulad lang kami sa relasyon ng mga magulang ko, dahil kung pinigilan lang siguro ni mommy si Yvo baka naayos pa ang relasyon nila, kung nag paliwanag si Yvo, baka nakinig pa si mommy at naayos pa nila ang relasyon nila. Nakakatawang isipin na naaalala ko pa ang masakit na pangyayaring yun dahil sa maliit ng away namin ni Zia, siguro nga hinding-hindi ko matatakasan ang nakaraan ko, na dadarating pa rin ang panahon na kailangan ko itong harapin kahit na alam ko na ito rin ang sisira sa akin.

“Zia!” Sigaw ko saka mabilis na tumakbo palabas pero huli na ng mapansin ko na umandar na pala sya kaya hindi ko naiwasan ang pag dating nya at tumilapon nalang ako sa sahig.

“Yuan! Oh my god, are you okay?” Tanong nya pag lapit sa akin. Napangiti ako ng makita ko ang pag aalala sa mukha nya. May pakialam parin naman pala sya sa akin.

“Don’t leave me, please, mag papaliwanag ako.”

“Manong tulungan nyo po akong dalin si Yuan sa ospital.” Akma syang tatayo ng pigilan ko sya.

“Dito kalang, wag mo akong iwan.”

“Pero kailangan mong madala sa ospital!” Nag papanic nyang sagot. Nakalapit na rin sa amin ang isang guard.

“Manong, take me to my unit.” Utos ko sa gwardya saka nya ako inalalayan patayo. Sa kabilang side naman pumunta si Zia para alalayan din ako. Pag dating sa unit ay maingat akong inilapag ng gwardya sa kama.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon