Chapter 14: She knows

24.5K 355 15
                                    

Yuan

Umiling-iling ako habang nag uusap kami ng mga kaibigan ko sa table dito sa canteen. Panay ang kwento nila sa akin tungkol sa naging eksena kahapon sa covered court. Ang totoo ako mismo saksi sa nangyari.

Hindi na ako nag taka sa inasal ni Trixie. Medyo clingy talaga sya lately at hindi ko nagugustuhan iyon., pakiramdam ko masyado na syang nagiging possessive sa akin. Not that I hate it, I just don’t like it. Kahit mama ko hindi ako pinag hihigpitan kaya walang karapatan ang kahit na sinong manduhan ako.

“Ikaw na. ikaw na talaga. Biruin mo yun pinag agawan ka ng dalawang babae.”  Wika ni Mico. Umiling pa sya. bigla ko tuloy naalala yung ginawa nya sa akin pa akyat ng stage. Hinampas ko sya sa braso. Agad syang napatingin sa akin. nakasimangot.

“Anong problema mo?!” Singhal nya. Dinuro ko sya.

“Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo sa akin. hinatak mo ako paakyat ng stage! Buti nalang  handa ako kundi napahiya ako ng wala sa oras!” Sigaw ko. Ngumiti sya ng nakakaloko. Halatang nag aasar pa.

“Peace bro. Bawing-bawi ka naman eh.” Saad nya.

“Pero kanino kayo pumusta? Ako kasi kay Zia.” Singit ni Rico. Tumingin ako sa kanya. hindi ko alam kung may gusto sya kay Zia. Lately kasi napapansin ko nagiging close sila. Kapag nag kikita sila sa campus palagi silang nag uusap o nag kakamustahan. Nakita ko rin kahapon na binigyan nya ng high five si Zia.

“Zia din ako eh.” Dagdag ni Mico sabay inom ng tubig.

“Sige na nga Trixie nalang ako. panay Zia na kayo eh.” Wika ni Atom. Napakunot-noo pa ako sa kanya. minsan talaga hindi maintindihan ang taong ito. Ayaw nya kay Trixie para sa akin pero ngayon kay trixie sya kampi. Umiling ako. parang ewan.

“Kung makapag pustahan kayo akala nyo mga manok lang yung pinag uusapan natin dito ah saka wag nga kayong mag banggit ng pangalan!” Saway ko sa kanila. Kahit na wala masyadong tao sa canteen hindi pa rin sigurado. Maraming chismosa dito.

“Sus! feeling mo ang pogi mong hayop ka!” Singhal ni Atom sa akin sabay suntok sa braso ko. inambahan ko sya.

“Taena mo pala eh ginusto ko ba yun? Wala na tayong magagawa kung gwapo talaga ako! inggit ka lang eh!” Sagot ko. tumawa sya.

“Asa! Ako pa ba mawawalan?”  Umiling sya. Tumawa ako.

Inasar pa nila ako ng inasar. Mico and Rico mimic the incident yesterday. Para silang mga bakla sa ginagawa nila kaya tawa naman kami ng tawa. Pag nag sama-sama  talaga kami puro kalokohan lang ang nangyayari.

Natigilan ako ng makita ko si Zia at Luigi. Silang dalawa lang ang mag kasama. Luigi is holding Zia’s bag. Tatlong table lang ang pagitan namin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Tumingin ang mga kasama ko sa direksyon kung saan ako nakatingin.

“Kaya naman pala eh!” Umpisa ni Atom.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon