Chapter 35: Daddy

17.7K 380 36
                                    

Zia

Isang linggo na ang lumipas pag katapos kaming pumunta sa wedding planner. Ibang klaseng saya ang naramdaman ko pag pasok palang namin sa boutique, dahil doon lang pumasok sa isip ko na talagang ikakasal na kami ni Yuan. Hindi kasi kahit kailan pumasok sa isip ko na darating kami sa ganitong tagpo, na sabay kaming pipili ng damit na isusuot namin sa kasal, cake at lugar kung saan kami ikakasal. Nakakapanibago pa rin ang pakiramdam dahil ang akala ko habang buhay nalang kami secret lovers.

Masaya din ako dahil unti-unti na silang nag kakaayos ng kuya ko, naalala ko pa ng makita ko silang seryosong nag uusap sa garden sa bahay namin, hindi ko alam kung anong pinag usapan nila pero pag katapos nuon ay mas naging tahimik na ang kuya ko kapag dadalaw si Yuan, hindi nga lang nag tagal dahil umalis na rin si kuya para bumalik sa rancho, ang sabi kasi nya ang may aasikasuhin syang importante kaya mas napaaga ang pag balik nya doon.

Halos maayos na ang lahat sa relasyon namin ni Yuan, at sa ngayon wala na akong mahihiling pa dahil nakikita ko naman na pinipilit nyang mag bago para akin at aamin ko na sobra kong na appreciate yun at dahil doon ay lalo ko pa syang minamahal. Hindi ko pa nga lang sinasabi sa kanya.

“Grabe Z you’re really getting married!” Wika ni Lara. Nandito kami ngayon sa Condo ni Meg para mag girl bonding pero kulang kami ng isa, hindi namin mahagilap si Mimi. Sinubukan namin syang tawagan dalawang araw bago ang araw ngayon pero hindi sya nasagot  tinanong din namin ang PA at road manager nya pero hindi din nila alam kung nasaan si Mimi. Minsan kasi may tendency si Mimi na bigla nalang mawawala tapos susulpot.

“Tapos kay Yuan pa no, matinde!” Asar ni Meg saka sila sabay tumawa ni Lara. Nag pout lang ako sa harap nila habang nasa sala kami at kumakain ng pizza. Noong una nilang malaman ang tungkol sa relasyon namin ni Yuan ay hindi na sila nagulat, silang dalawa kasi ang nakapansin sa kakaibang tinginan namin ni Yuan sa covered court noong nagkaroon ang project ang student council.  Si Mimi lang ang hysterical at sinabunutan ang pinsan nya dahil pati ako ay tinalo daw, pero sa huli ay natanggap na rin nya dahil wala naman syang magagawa, babantayan nalang daw nya ang pinsan nya kapag may ginawang kalokohan.

“Hey, hindi na sya babaero saka responsible na sya.” Pag tatanggol ko sa fiancé ko. Totoo naman ang sinabi ko na nag bago na talaga si Yuan. Ngumiti lang sila ng nakakaloko kaya sinamaan ko sila ng tingin.

“We’re happy for you Z, now we can see na you love him talaga kaya ka mag papakasal.” Wika niLara.

“Teka, nasabi mo na ba sa kanya na mahal mo s’ya?” Tanong ni Meg.

“Hindi pa nga eh, hindi ko kasi alam kung paano, nahihiya ako.”

“Wow! First time ka namin makitang ganyan.” Banat ni Meg

“Si Zia Hernandez nahihiya? In love talaga!” Dagdag ni Lara.

“Tigilan nyo nga ako!” Awat ko sa kanila. Kanina pa kasi ako nasa hot seat, buti nalang wala si Mimi na pinaka malakas mang-asar sa kanilang tatlo. Nag tawanan kami at nag pillow fight pag katapos namin mag usap. Sabay-sabay  kaming umupo sa sofa ng mapagod at binuksan ang t.v. pero nag katingin kami ng marinig namin ang balita.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon