Chapter 36: Thank you

16.6K 397 31
                                    

Zia

Tatlong araw na simula ng pumanaw ang daddy ni Yuan. Naalala ko pa ng malinaw ang pag iyak nya sa akin, sobrang ramdam na ramdam ko ang pag hihinagpis nya at alam kong ang tangi ko lang magagawa ay ang manatili sa tabi nya at bigyan sya ng lakas para maka-cope up sa nangyari.

Tumingin ako kay Yuan na naka upo malapit sa kabaong ng daddy nya kasama ang dalawang pinsan nya. Nag uusap silang tatlo at baghayang nag tatawanan pero hindi umaabot sa mata ang saya. Oo kahit na mukhang silang ayos ay halatang malungkot sila lalo na ang mga mata ni Yuan.  Umupo ako sa isang silya na medyo malayo sa kinaroroonan nila at pinanuod sila.

Mahirap mawalan ng minamahal sa buhay, dahil hindi mo alam kung paano ka ulit mag sisimula, paano mo haharapin ang biglaan pag babago? Paano kababangon sa umaga kung alam mong wala na ang taong mahal mo? Mahirap diba, dahil hindi mo alam kung anong sagot.

Minsan akala ng mga kaibigan mo at kakilala ay ayaw mong pag usapan ang pag kawala ng taong mahal mo or kung paano mo sya nawala sa buhay mo, kasi iiyak ka na naman at malulungkot, kaya hindi nalang nila masyadong babanggitin sayo. But the truth is, you never want to stop talking about the person you love, because your greatest fear is accepting the fact that they are never coming back.

“Bakit mag isa ka lang dito?”

Napatingin ako sa babaeng umupo sa tabi. Ang mama ni Yuan. Mukha syang okay at stable pero alam kong kagaya ni Yuan ay nasasaktan din sya sa pag kawala ng asawa nya. Paano kaya kung ako ang nasa kalagayan nya? Paano kaya kung si Yuan naman ang mawala sa akin? Kakayanin ko kaya?  Makakabangon pa kaya ako?

“Kumain lang po ako sandali, kaya naiwan ko si Yuan sa mga pinsan nya.”

Tumango nga sya at tumingin kay Yuan kaya napatingin na rin ako doon. Hindi ko alam kung anong iniisip nya, dahil para syang natulala. Naalala ko pa ng una ko syang makilala, palangiti sya at madaldal kaya nag karoon agad kami ng instant connection dahil hindi kami nauubusan ng topic sa tuwing nag kikita kami sa ballroom hall kung saan ko sya nakilala sa tuwing sasama ako sa parents ko para mag sayaw.

Tumingin sya sa akin, “Thank you.” Wika nya saka tumingin sa akin,”dahil bumalik na ang anak ko.:”

Hindi ko alam kung bakit sya nag papasalamat sa akin at kung anong ibig nyang sabihin sa bumalik na ang anak nya,. Bakit? nawala ba si Yuan? I mean, paraan saan ang thank you nya.  Naguguluhan talaga ako.

“Ano po ang ibig nyong sabihin?”

Muli syang tumingin kay Yuan, “When Yuan was seven, he told me that he wants to be a doctor, gusto daw kasi nyang gamutin lahat ng sakit sa mundo. Doon palang nakita ko na kung gaano kabusilak ang puso nya, tapos ng mag ten naman sya, gusto naman daw nyang maging businessman so I asked him, why?”

Nakita ako ang pag tutubig ng mga mata nya, kaya hinawakan ko ang kamay nya para ipakita na nandito ako at hindi sya nag iisa.

“Ano po ang sinabi ni Yuan?”

“I want to be like dad.” Sagot nya saka tuluyang tumulo ang mga luha,” alam mo ng sabihin nya sa’kin yun ay natulala ako, dahil doon ko lang napatunayankung gaano ka tibay ang relasyon nilang mag ama.”

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon