Chapter 47: My weakness

17.7K 396 54
                                    

Zia

"Ayoko na manligaw!" Sigaw ko saka naupo sa swivel chair dito sa loob ng council office. Nasa mahabang table si Meg na hawak ang music sheet ng bagong kantang inaaral nya para sa next recording nila. Si Lara naman ay hawak ang mga cd ng kantang sasayawin nila at pinag pipiliaan kung anong maganda. Si Mimi naman ay hawak ang phone nya at hindi mag kanda ugaga sa kung ano man ang nababasa nya doon.

Umangat ang mata si Meg sa akin. "Bakit?"

"Ang hirap kaya, saka hind ko yun porte, besides I am the girl I shouldn't do that."

"That's what I'm talking about!" Sigaw ni Lara. "Welcome back Z!" Masayang pahayag nya na biglang nawala sa cd na hawak nya ang atensyon.

"So suko kana?" Singit naman ni Mimi. Napalingon ako sa kanya.

Suko na nga ba ako? Kung ang puso ko ang tatanungin ay HINDI ang sagot nya pero ang isip ko naman ay OO ang sinisigaw. Una dahil parang hindi naman tama na dahil lang mahal ko si Yuan ay kailangan kong gawing tanga ang sarili ko para habulin sya, ayaw kong igaya ang sarili ko kay Trixie at Meanne na parang mga asong ulol na habol ng habol kay Yuan. I'm not like that, I love Yuan but I have my own principles.

Nag dekwarto ako at sumandal sa upuan saka inilagay ang dalawang kamay ko sa kandungan.

"Hindi, pero ayoko ng ipahiya ulit ang sarili ko. Tama na ang isang linggo na ginawa ko para ma-win back s'ya. Ito yun kinakatakot ko dati pa kaya ayokong ma inlove kay Yuan." Saglit akong huminto at huminga ng malalim. Nakamata lang sila at nakikinig. "Ayokong balewalain nya ako kasi alam nyang mahal ko s'ya. Ito na. Nangyayari na."

Natahimik ang buong kwarto ng ilang minuto bago nag salita ulit si Mimi. "Anong balak mong gawin?"

"Hahayaan ko nalang muna sya kasi kung patuloy akong lalapit at itataboy nya lang ako...baka mapuno ako at sumabog.." Umiling ako. "Ayokong dumating ang araw na mag sawa ako. I don't want to let go but I also don't want to lose myself in the process."

 "Good point." Tumango pa si Lara.

 "Hay nako, hayaan mo na kasi ang tukmol na pinsan ko!" Mimi rolled her eyes. "Ihahanap kitang matinong lalaki." Ngumiti pa s'ya na parang proud na proud na sarili.

"Ano, yung mga boylets mo sa showbiz?" Asar ni Meg. Pareho silang gumagalaw sa mundo ng entertainment, ang kaibahan lang ay mas focus si Meg sa music while si Mimi naman ay versatile at lahat ata ng pwede ginawa na nya. Mag ka level sila Anne Curtis sa kasikatan, mas lamang lang sya sa talent kay Anne pag dating sa singing.

"Hay nako Mimi...wag mo ng igaya sa'yo si Z, hindi yan playgirl."

Nilingon ni Mimi ang dalawa ang umirap dito. "Grabe kayo! Hindi ako playgirl. It's just that, I'm a beautiful flower and a lot of men want to deflower me!" Ngumiti pa sya na parang proud na proud na naman sa sarili. Umiling ako at tumawa.

"Ang bastos mo!" Sigaw ni Lara.

"Ang bastos nakahubad." Pilisopong sagot ni Mimi. Malakas na tumawa naman si Meg. "Saka it's a methapor tanga!"

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon