Chapter 17: Tao sila hindi bagay.

23.6K 381 32
                                    

Yuan

Nagising ako sa mahinang pag tampal sa mukha ko. Si Zia ang nasilayan ko. She looked pretty in the morning.  Nasa gilid sya ng kama habang panay ang tapik sa pisngi ko. Hinila ko sya at niyakap pahiga.

“Yuan! Ano ba, Gumising kana saka umuwi kana!” Taboy nya sa akin. Muli akong pumikit at  sumiksik sa leeg nya. She smells like vanilla. Ayoko pang umuwi dahil nandun pa ang demonyo. Niyakap ko sya ng mahigpit. Grabe, ang lambot nya.  Ang sarap-sarap nyang kayakap sa umaga. Nag pumiglas sya para makawala pero lalo ko lang hinigpitan.

“Don’t struggle. Payakap muna, kahit sandali lang…” Bulong ko. Sandali syang hindi gumalaw habang yakap ko. Inaatok pa talaga ako. Naramdaman ko ang pag haplos nya sa buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam.

“Yuan, Umuwi kana. 8am na oh.”

“Zia, 8am palang, bakit ba nag mamadali ka? Saka wala naman tayong pasok ngayon diba?”

“Aalis kasi ako.” Wika nya. Napa-angat ako ng tingin sa kanya. Kahit na Hirap na hirap akong buksan ang mga mata ko.

“Saan ka pupunta?” Tanong ko.

“Basta. Umuwi kana.” Ulit nya. Muli kong binalik ang mukha sa leeg nya.

“Mamaya na. Wag kana umalis, dito nalang tayo…” Lambing ko. Tinatamad kasi akong gumalaw, parang gusto ko nalang humiga mag hapon habang kayakap sya.Nag pumiglas ulit sya pero hindi ko parin sya pinakawalan. Ayoko nga.

“Yuan! Ano ba.Hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap mo!” Reklamo nya. bahagya kong niluwagan ang pag yakap sa kanya. Balingkinitan lang ang katawan nya kumpara sa muscles kong katawan kaya mas malakas talaga ako sa kanya.

“Sorry, Ayan niluwagan ko na. payakap muna, ang bango mo eh.”

“Tigilan mo nga ako! Hindi pa kaya ako naliligo!” Singhal nya. Ngumiti ako ng sabunutan nya ako. Biglang nagising ang diwa ko. She’s always like this. Habit nya na atang bugbugin ako eh.

“Aray! Ang brutal mo talaga!” Reklamo ko saka sya binitawan. Tumayo sya sa kama at hinila ang kamay ko patayo.

“Tumayo kana dyan! Malalate ako sa appointment ko e.” Inis na wika nya.

“Saan kaba kasi pupunta?” Tanong ko. Nag pahila lang ako sa kanya. Alam kong hindi nya ako kaya. Kita ko ang inis sa mukha nya kaya lalo akong napangiti. Ang sarap nya talagang asarin.

“Yuan! Hahambalusin na kita! Nag papabigat kapa talaga huh!”

“Eh Kasi naman, ang aga mo naman mag bulabog ng tulog eh.” Natatawa kong sagot.

“Tumayo kana! Isa!” Banta nya. Tumawa ako saka tumayo. Hinila nya ang kwelyo ko at tinakpan ang bibig ko.

“Shhhh! Baka marinig ka nila sa baba.” Saway nya sa akin. Itinaas ko lang ang dalawang kamay ko. Paano kaya kung sumigaw ako, tapos makita ako ng pamilya nya? siguradong mahihimatay si Zia pag nangyari yun. Muli akong napangiti.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon