Chapter 45: Para kaming hangin sa isa't isa

15.6K 361 39
                                    

  

Yuan

Pasimple akong sumulyap sa gawi ni Zia. Kagat nya ang ibabang labi nya habang panay ang tingin sa labas na parang iniiwasan nyang lumingon sa gawi ko. Nasa kotse kami dito sa likod, wala kaming imikan simula ng umalis kami ng condo ni Mico. Gusto kong matawa at mainsulto sa response nya ng makita ako. Tinawag na naman nya akong isang panaginip. Hindi ko alam kung talagang hindi sya makapaniwala na totoo ako or ayaw nyang tanggapin na totoo ako.

Nabaling sa cellphone na hawak nya ang atensyon ko. Tumingin sya sa akin at nag tama ang mga mata namin. Kumunoot ang noo ko dahil napuno ng pag aalinlangan ang mukha nya kung sasagutin ang tawag o hindi.

Sino naman kaya ang tatawag?

Muli syang tumingin sa cellphone habang natunog yun. “Answer it.” Utos ko. Tumingin sya sa akin saka napakagat labi. Gusto kong mag mura dahil sa tuwing gagawin nya yun ay gusto ko syang sunggaban para halikan. Nag iwas ako ng tingin ng sagutin nya ang tawag.

“Hello, Yohan…”

Naikuyom ko ang mga kamao.“Tangina…” Mahina kong bulong. Biglang kumulo ang dugo ko ng marinig ko ang pangalan na binanggit nya. Napupuno ako ng iba’t ibang klaseng emosyon pero lamang ang galit sa lahat ng yun. Hindi ako lumingon sa gawi ni Zia para hindi nya makita ang pag babago ng mood ko.

Matamang akong nakinig. “Oo, pero hindi ako pwede ngayon eh, b-busy ako.” Napataas kilay ako. “Sige, sa ibang araw nalang…” Saglit syang tumingin sa akin bago muling nag salita. “Okay, bye Yohan, I-I have to put this down.” Pag mamadali nya saka nya binaba ang tawag.

Naging mahinahon ang pag hinga ko. Buti nalang at tinapos nya agad ang tawag dahil kung tumagal pa yun ay baka naitapon ko na sa labas ang cellphone nya sa sobrang inis ko. Bakit kaba naiinis? Eh sa gusto kong mainis eh, saka karapatan kong mainis dahil ako ang pinag taksilan dito!

Muling naging tahimik ang paligid. Hindi na rin ako tumingin sa gawi nya, dahil baka mas lalo lang akong ma badtrip.Tumingin ako sa labas ng makita ko ang mga tambay sa kalye, mga batang madungis at isang kupol ng mga nag susungal sa di kalayuan.

“Sir, nandito na po tayo.”

Tumingin ako sa paligid saka inutusan ang isa bodyguard na tiningnan kung safe ba ang lugar bago kami bumaba. “Sir, it’s clear.” Sagot nya pag bukas ng pintuan sa akin. Bumaba ako, sumunod naman si Zia sa akin.

“Yuan, anong ginagawa natin dito?” Tanong nya. Naamoy ko agad ang mabangong amoy nya. Pasimple akong huminga ng malalim bago sumagot sa kanya. “Pupuntahan natin yun gigolo.”


“Sino bang gigolo ang sinasabi mo?” Tanong nya. Tumingin ako sa gilid ko kung saan sya nakatayo. Naka-floral dress sya na blue na lalong nag patingkad sa pagiging babae nya, nakalugay din ang brown, mabaha at wavey nyang buhok na bumagay sa maputi nyang kutis, nanakadagdag din yun para lalo syang pag tinginan ng mga tao sa paligid namin. Napaka-ganda nya. Hinapit ko sya sa bewang ng makita ko ang malalaswang tingin ng isang grupo ng kalalakihan sa isang tindahan, kulang nalang ay hubaran nila si Zia sa mga tingin nila.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon