Chapter 21: The engagement

21.8K 354 55
                                    

Yuan

Nagising ako sa isang malakas na sampal. Pag mulat ko, mukha ni Zia ang nakita ko. Napasimangot ako at napahawak sa pisngi na sinampal nya. Ibang klase talaga ang babaeng ito. Lagi nalang akong binubugbog. Hindi pa sana ako titinag para asarin sya pero bigla akong napabangon ng makita ko sa tabi ng pintuan ang mga magulang nya. Tahimik lang lang sila pero nag aapoy sa galit ang mga mata nila. Napatingin ako kay Zia na walang imik. Kaya naman pala parang wala sya sa sarili nya eh.

“Mag bihis kayo ng matino at mag uusap tayo sa baba.” Mahinahon pero galit na wika ng tatay ni Zia. Nauna syang Lumabas ng kwarto kasunod ang mama ni Zia. Ang sama naman ng tinign sa akin ng katabi ko.

“Bakit ba ganyan ang suot mo?!” Singhal nya sa akin. Naka boxer lang kasi ako. Naalala kong tinggal ko kagabi ang polo shirt at pantalon ko dahil bigla akong nakaramdam ng init. Ang akala ko nga panaginip lang na kasama ko si Zia yun pala totoo.

“Nainitan ako kaya tinanggal ko yung damit ko, akala ko kasi nasa bahay ako.” Paliwanag ko. Tumayo sya at pumunta sa banyo. Naiwan ako sa kama. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari pero wala na akong magagawa kundi harapin ang consiquences ng mga actions ko. Tumayo ako at pinulot ang damit sa sahig. Naalala kong hinagis ko lang kasi yun sa kung saan at yun ang nakita ng parents ni Zia.

Papatayin ako ng babaeng yun for sure.

“Zia, Hindi ko alam na ganito yung mangyayari.” Umpisa ko sa kanya pag labas nya ng banyo. Hindi nya ako pinansin at nag suklay ng buhok sa harap ng salamin. Nasa likod nya lang ako at hindi kinakausap.

‘Let’s go!” Asik nya saka naunang lumabas ng kwarto. Sumunod ako sa kanya.

“Kuya Yuan?” Gulat na wika ni Zam. Kakalabas nya lang ng kwarto nya at halatang kakagising lang.

“Good morning Zam.” Bati ko sa kanya.

“What are you doing here? Ang aga pa, saka bakit galing ka sa kwarto ni Ate Z?” Tanong nya.  Ginulo ko ang buhok nya.

“Saka ko na ipapaliwanag sayo.” Sagot ko. Huminga ako ng malalim bago bumaba. Naabutan ko ang parents ni Zia sa sala. Nag katinginan kami ni Zia bago lumapit sa kanila. Mag katabi kaming umupo sa bakanteng sofa.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin. Panay ang sulyap namin ni Zia sa isat- isa. Alam kong kinakabahan din sya.

“Ikaw lalaki ang una kong tatanungin.” Wika ng tatay ni Zia. Umayos ako upo. Sana masagot ko ang tanong nya sa akin.

“Opo. Sir.” Sagot ko.

“Anong ginagawa mo sa kwarto ng anak ko?” Tanong nya na parang nasa court room kami.  Bigla kong naalala na pareho nga palang lawyer ang mga magulang ni Zia. Lalo akong nataranta dahil pakiramdam ko ano mang oras pwede nila akong ipakulong.

“Sir, lasing po kasi ako kaya akala ko yun ang kwarto ko, kanina ko lang nalaman na mali pala ang akala ko.” Sagot ko.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon