Chapter 22: Everything's gonna be alright

21.7K 432 46
                                    

Zia

 

Napatingin lang ako ng umalis si Yuan. Alam kong si Meanne ang kausap nya sa cellphone. Kaya ng mag paalam sya sa akin na kailangan nyang umalis ay hindi ko sya pinansin. Una dahil inis pa rin ako sa mga sinabi nya sa harap ng parents ko. Hiyang-hiyang ako at nakayuko lang habang sinasabi nya ang naging affair namin. Kitang-kita ko rin ang galit sa mata ng mga magulang ko.

Nag papasalamat nalang ako at mahinahon ang ama ko kanina habang ini-interrogate nya si Yuan, kahit na alam kong kanina nya pa rin gustong sapakin sa mukha ng huli, pero hindi nya ginawa dahil alam nya na pwede syang makasuhan ng physical harassment, kaya sobrang pag pipigil ang ginawa nya kanina para hindi sugurin si Yuan ng suntok sa mukha.

“Nandito na pala ang mang aagaw at malanding dean’s lister ng East University.” Wika ng bading na si Makki. Kapitbahay namin sila at kaibigan ni Zam ang little sister nyang si Mikka. Napahinto ako sa pag lalakad. Lima silang nakaharang sa daan ko ngayon. Nangunguna na ang ex ng bayan na si Trixie. Tumingin lang ako sa kanila, kung akala nila na natatakot ako dahil marami sila, pwes hindi.

“Nag papanggap na mahinhin at snob sa lalaki, yun pala nasa loob din ang kulo!” Akusa sa akin ni Trixie. Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako sinugod ng mga ito.

“Tama. Ang disente pa naman tingnan ng pamilya nya, tapos may isang sisira lang pala sa image na yun. Tsk tsk nakakahiya naman.” Malanding wika ni Makki. Ang tatlo naman sa kanila ay parang mga tuod lang na nakatayo sa likod ng dalawa na parang mga tanga. So, dalawa lang talaga ang mainit ang dugo sa akin, tapos tatlo ang nag papanggap na galit sila sa akin. The benefit of being friends nga naman. Hindi ako nag salita at hinayaan silang mag mukhang tanga.

“Ano? Tatahimik ka nalang ba at hindi ipagtatangol ang sarili mo?” Tanong ni Trixie. Bakit ko gagawin yun? Baka mamaya gamitin pa nila sa akin ang mga sasabihin ko against sa akin kapag lumaki ang gulo. Nag patuloy lang ako sa pakikinig sa mga walang kwentang lintanya nila sa harap ko.

“Talagang ginagalit mo kami no? Mag bibingi-bingihan ka para tantanan ka namin? Pwes hindi!” Sigaw ni Makki saka ako tinulak. Nagulat ako at hindi naka-iwas sa ginawa nya. Napaatras ako at napapikit sa sakit ng matapilok ako saka bumagsak sa lupa. Nag umpisa ng dumami ang mga taong nanunuod sa amin. Nakapalibot na silang lahat sa amin ngayon.

“Tumayo ka dyan at lumaban sa amin! Ipakita mo kung sino ang totoong Zia!” Sigaw ni Trixie. Nag uumpisa ng uminit ang ulo ko at kumulo ang dugo ko, pero pinilit kong huminahon. Walang mangyayari kung papatulan ko sila, dahil kapag nakataring to sa discipline comity, maaapektuhan pati pagiging dean’s lister ko at hindi ako tanga para isugal yun, dahil lang sa kabobohan ng mga nasa harap ko ngayon.        

Nayanig ako ng dumapo sa kaliwang kamay ni Makki sa pisngi ko. Napahiga ako sa lupa sa sobrang lakas ng sampal nya sa akin.

“Ano! Lumaban kang malandi ka! Mang aagaw ng boyfriend! Hayop ka!” Galit na galit na wika ni Trixie saka ako binigyan ng mag asawang sampal sa mukha. Pumikit lang ako at tiniis ang sakit. Matatapos din naman ang lahat, kapag may umawat na sa amin. Pero parang walang gustong umawat dahil mas nag e-enjoy sila sa panunuod sa amin.

Secret loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon