Souryou: Yazhou

13.2K 206 6
                                    

Prologue 

Sakurai, Japan

Isang malakas na hampas sa ere ang pinakawalan ko gamit ang isang matalim na katana na kumitil sa buhay ng aking kalaban.Tumingin ako sa paligid na punong-puno ng dugo dahil sa kaguluhang nagaganap. Kailangan kong makita ang Souryou at ang anak nito. Tumakbo ako para suyurin ang buong templo, pero natigilan ako ng makita ko ang tatlong ninja, na nakapalibot sa Souryou at sa anak nitong labing anim na taon gulang lang, at ang susunod na Souryou ng mga Akiyama na mula sa pamilya ng mga samurai at magiting na mangdirigma.

“Souryou!” Sigaw ko saka inataki ang isang ninja. Nag mistulang battle arena ang paligid dahil nakikipag laban na rin ang Souryou at anak nito sa dalawang ninja. Lalong nag init ang aking dugo ng madagdagan ng dalawa pa ang aking kalaban, bigla rin ang pasok ng kaba sa dibdib ko dahil baka mapahamak ang Souryou at ang anak nito.


“Mga lapastangan kayo! Humanda na kayong mamatay!” Sigaw ko saka kinitil ang mga buhay ng tatlong ninja sa harap ko, ngunit kasabay nito ang malakas na sigaw na nag patigil sa akin.

“Okasan! Okasan!”

“Souryou!” Sigaw ko saka dinaluhan ang duguan at nakahandusay na pinuno ng angkan ng mga akimaya at ng buong suyudad ng sakurai.

“Hanami, ilayo mo ang aking anak dito, nanganganib ang buhay nya!” Utos nya.

“Okasan! Wag mo akong iiwan!” Pag mamakaawa ng anak sa kanyang ina.

“Souryou, Hindi kita maaraing iwan dito. Ang buhay mo ang pinaka-mahalaga sa lahat.” Wika ko. Hindi ko kayang iwan ang aking pinuno. Hindi tama, at bilang samurai dapat kong ialay ang aking buhay sa kanya.

“Hanami, Mapanganib ang lugar na ito para sa anak ko. Ilayo mo sya dito! Yun ang utos ko!” Sigaw nya sa akin.

“Masusunod, Souryou.” Napipilitan kong sagot. Kinuha ko ang anak nya at tumakbo palayo sa lugar na yun.

“Okasan! Okasan!”

Pikit mata kong nilisan ang templo kasama ang anak ng Souryou. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong pag-iwan sa aking pinuno, pero ito ang inutos nya na gawin ko, dahil ang batang hawak ko ay ang susunod na pinuno ng angkan ng mga Akiyama at ng buong sakurai, kaya higit na mahalaga ang buhay nya sa kahit na sino pa man.

----------------

Souryou - This is a Japanese title for the eldest child, oldest child, first born child, or child who carries on the family name. 

In more ancient times, this was used to refer to the head of a warrior clan. It can also be a place name or given name "Souryou" or "Soryo" in Japanese.

Katana - is a Japanese long sword used mainly by samurai warriors. It is the most important sword of the three swords worn by samurai.

Ayan! new story ito!  matagal na akong fascinated sa mga samurai at japanese culture, kaya ito ang resulta. Ang setting nito ay hindi naman 19 kopong-kopong, kaya asahan nyo na may cellphones na rin naman sa story na ito! hhaha!  

May isa pa akong lalabas ng novel na kasabay nito, at inumpisahan ko na rin ang pag edit sa My lover para naman sa book version nito kaya sana bumili kayo kapag natapos ko na, pasensya na rin dahil tamad si author at ngayon ko lang natapos ang nobelang yun. XDD

SouryouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon