XXIV

184 6 1
                                    

~~Clash~~

XCHINDY'S POV
Pagkagising ko ay may kung anong masakit akong naramdaman, and shit! Dumudugo ang ilong ko! That Tracy must've hit me hard! Inilibot ko ang paningin ko at nasa likod ako ng isang puno, napasandal ako ng maayos ng marinig ko ang mga kalansing ng espada, umpugan ng mga kapangyarihan, pagsabog at sigawan ng mga natatamaan ng mga atakeng pinapakawalan ng mga kalaban.


Napangiwi ako ng bigla akong natumba, paglingon ko ay nasa likod ko si Spade, plain expression written all over his face.

"T-Tinulungan mo ko?" Tanong ko habang pilit na inaaninag ang mukha niya because here in Helszia, there is nothing but the sky seems to be darkening as the time passes.

"Oo, and you're welcome" sagot niya. Binigyan niya ako ng espada saka naglakad papunta sa kagubatan.

Akala niya ba susunod ako sa kaniya?
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinangga ang atake ng isang babae sumugod sakin. Iwinasiwas niya ang espada niya sa direksiyon ko pero naiwasan ko yun, hinawakan ko ang braso niya at ihinambalos ko sa kaniya ang handle ng espada ko. Pasalamat siya hindi ko siya pinatay, mermaids tsss.....

I walked in the middle of the battlefield, ng makarating ako sa direksiyon ni Diego ay agad kong sinalo ang isang palaso na gawa sa ilaw. Napangisi naman ako, tiningnan ko siya sa malayo.....oh Sage....you know I can see now.

"Saan ka nagpunta?" Tanong ni Diego saka sinaksak ang isang Algorian na sumugod sa kaniya.

"Ano naman ang pakealam mo sa kung saan ako nagpunta? You didn't even bother helping me in the first place..." Tugon ko saka sinipa ang kalaban na patungo samin.

Hinila ko siya at isinakay kay Trep.
Itinulak ko siya at pinaalis ng pwersahan, and I didn't expect that the gem would come off....yan ang sinasabi ko na don't trust those lowly tinkers.....pinulot ko yung hiyas ng Valtoria..this will be so useful.

Agad akong tumakbo papunta sa palasyo, pero humanap ako ng ibang daan papasok because there was nothing there than fighting. Sa ngayon,iiwas muna ako sa laban.... may mas mahalagang bagay akong dapat gawin.

Pagkapasok ko ng palasyo ay nag-anyong si Carlotta ako. Tumungo ako sa isang silid at doon ko nakita si Four. Show time....

"Anong ginagawa mo dito? Alam mo ba na nagkakagulo na sa baba?" Tanong ko, tumingin naman siya sakin saka ininom ang alak na nasa basong hawak niya.

"Bababa ako maya-maya, sadyang may hinihintay lang ako na signal"
Paliwanag nito at saka tumingin sa labas. Inilibot ko naman ang paningin ko, the coast is clear.

"Can you come with me?" Tanong ko
Bahagyang kumunot ang noo niya sakin.

"Where to?" Tanong nito.

"Somewhere, may ipapatulong lang sana..." Mahina kong saad, tumango naman siya at lumakad papunta sa direksiyon ko.

"Tara" sagot nito. Ngumiti naman ako...

At the back of my mind I napangisi na lang ako. How gullible mapapadali nito ang plano ko. Iginiya ko siya somewhere na siguradong walang makakakita sa kaniya, at sa akin.
Binilisan ko ang paglakad ko....I'll make sure he will not catch up with me.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now