XL

249 8 3
                                    

~~~Something Bigger~~~

REIGN'S POV
Hawak-hawak ang isang tray ng pagkain ay kinakabahan kong tinungo ang silid ni Flora. Ilang araw na kaming hindi pinapayagan na makapunta sa kaniya dahil naging bayolente siya. Nag-aalala na ako sa kaniya. Unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa na gagaling siya......hayst....ang dami ko ng iniisip.








Pinapasok na rin ako ng mga guards, nakasalubong ko pa si Nurse Lucky tumango pa nga ito sakin at saka ko siya sinuklian ng ngiti.







"Flora.....ako 'to si Reign...." Nakangiti Kong saad kahit kinakabahan ako. Napatingin siya sakin at saka bumaling sa iba.






"Umalis ka na.....bago ka nila kunin" saad nito. Naikunot ko naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano ang tinutukoy niya?




"Kunin? Nila?" Tanong ko.







Inilibot niya ang tingin niya sa paligid saka ako pinalapit. Lumapit naman ako at saka siya bumulong sakin.







"....itim na nilalang, pulang mga mata at matatalas na sungay...." tatango-tango niyang saad na parang gusto niya akong kumbinsihen na totoo ang sinasabi niya.








Lumayo siya sa tenga ko saka niya yinakap ang mga tuhod niya. Ang mga nilalang sa impyerno ba ang sinasabi niya?.....nagugulumihanan ko siyang tiningnan. Hindi ko maintindihan.





"Flora, huwag kang mag-alala nagiging maayos din ang lahat. Matatapos din ang lahat ng 'to....at wala ng....m-mawawala pa sa'tin muli..kaya....bumalik ka na sa dati" sambit ko kahit alam ko sa sarili ko na para sa kaniya ay wala lang yun. Ang mawala sa sarili... Ang pinakamahirap na bagay kung saan tanging ang mismong taong yan lang ang makakaresolba.

"Isa...dalawa...tatlo...ilang digmaan pa ba?.....ilang tao pa ba ang dapat mamamatay?.....ayoko na....ayoko na.....pinatay ko sila... Akong may kasalanan...ako lang.. At ako...." At ayun na naman siya, nagsimula na naman siyang manisi sa sarili niya.

Nailapag ko ang dala kong pagkain habang pinagmamasdan siya. Ang dati kong kaibigan na laging nakangiti at positibo sa buhay... Ngayon ay nagkaganito na.

Nakatalikod lang siya sakin habang paulit-ulit na ibinubulong ang mga katagang yun. Yinakap ko siya mula sa likod.....at napansin kong tumahimik siya.








Saka nagsalita....












Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now