XXXI

168 7 4
                                    

~~Darkening of the Light~~

ASH'S POV
Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. This is a war....I'm on the middle of a war...anong nangyayare?

"Inaaaa! Nasaan na kayo!!!"
Napatingin ako sa batang lalaki na iyak ng iyak habang nakatago sa likod ng isang puno. He look like....

"Kuya....? What----" lalapitan ko na sana siya pero biglang nagbago na naman ang paligid.

Napaatras naman ako dahil isang batang babae naman na umiiyak ang nakita ko. May dalawang mag-asawang matanda namang lumapit sa kaniya.

"Andito na kami...huwag ka ng umiyak hija" nakangiting alo nung matandang babae.

Naguguluhan na ako sa nangyayare.
Bakit nakikita ko ang mga 'to? Bakit ganito? Sino ang nga taong yun? Bakit nandun si Kuya?

"Sabi ko na nga ba dito lang kita matatagpuan" napalingon ako sa likod ko ng may marinig akong pamilyar na boses.

Nakita ko sa likod ko si Destiny, ang Diyos ng Tadhana. May kasama pa siyang lalaki na parang mula sa isang tribo. Nakangisi ito at may hawak siyang sibat.

Umatras ako palayo sa kanila.
Kailangan kong mahanap ang libro para mapagaling ko si Sage. Wala ng oras, kaya wala na rin akong panahon na kaharapin pa sila.

Tumalikod ako at nagsimula akong tumakbo palayo sa kanila.

"Hahaha! Hindi ka makakatakas sa amin bata!" Rinig kong sambit nung lalaking parang mula sa isang tribo.

Napatigil ako sa pagtakbo ng may malaking nilalang na humarang sa daanan ko. Kinuha ko mula sa kaluban ang espada ko, inihanda ko ang sarili ko sa laban.

"Huwag ka ng tumakbo mula samin, Anak ni Thalya. Kung ang libro ang hinahanap mo, hindi ko iyon ibibigay sayo. Hindi...kahit anong gawin mo" saad nito habang nakangisi lang sakin. Naiinis na ako sa pagmumukha niya. Is he mocking me?!

"Sumama ka sakin ng matiwasay Aeon Solemn Helbirt Dawnvell, hindi rin naman kita sasaktan. Maayos kitang isasama kaya huwag ka ng lumaban pa" mahinahon na pakiusap ni Destiny, napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.

"Akala mo ba na para akong batang mapapasunod mo? Kahit anong gawin niyo hindi rin ako sasama sa inyo. At ikaw! Kung ayaw mong ibigay sakin ang libro..pupulbusin na lang kita para makuha ko yun" inihanda ko ang sarili ko matapos ko bitawan ang katagang yun. Gumuhit ang pagkainis sa mukha niya matapos ko sabihin yun.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt