REQUITAL

219 7 1
                                    




ASH'S POV






MATAPOS ANG MGA nangyare ay nandito ako ngayon, nakatayo sa harapan ng aking ama't ina habang ang iba pang diyos at diyosa ay nakaharap samin. Napatayo ang aking ama at saka napatingin sa kaniya sina Narwan.













"Tutulungan niyo daw kami sa digmaang ito?" Tanong ng aking ama. Napabaling ako kay Ina na seryoso lang na nakatingin sa mga nasa harapan niya.
















"Ganun na nga" sagot ni Narwan saka napabaling sakin. Napaiwas naman ako ng tingin, he's so intimidating.













"Hindi ba ito makakasama sa inyo? Alam ko na kayo ang mga uri na tapat sa batas niyo. Sa gagawin niyong 'to....wala kayong pinagkaiba sa tatlong diyos na yun" saad ni Ama. Napatingin na lang ako sa lupa dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin....neither do I know why I'm even here.
















"Buo na ang pasya namin na tumulong ng nagdesisyon kaming iligtas si Thalya nung araw na yun......at saka gusto ko ring tulungan ang pamangkin ko" nagulat ako sa sinabi niya, I raised my head and look at him smiling at me.


















He recognized me as his nephew.
Akala ko magagalit siya sakin dahil bunga ako ng katigasan ng ulo ng aking ina....o kaya naman ay hindi niya ako tatanggapin dahil mortal ako......Nakakagaan sa pakiramdam na alam mong....tanggap ka.





















"Kegwapong bata...Narwan, parang kamukha mo yang batang 'yan ah. Sigurado ka bang kay Thalya yan o sayo?" Napatingin ng malalim si Tiyo Narwan kay Axiom sa sinabi niya.


















Tiyo? Tito? Uncle?......is it right to call him that way? Kahit sang tingnan diyos pa rin siya.....hindi ko alam kung saan ako lulugar.



















"Kamukhang-kamukha mo siya Thalya" nakangiting sambit naman ni Cataleya saka hinawakan ako sa pisngi.


















"Siya ang nag-iisa kong yaman" sabi ni Ina, napaiwas naman ako ng tingin.

















"Kamukha ko ang anak ko...at isa pa....digmaan ang pinag-uusapan natin....hindi ang anak KO" mariin na sabat ng aking ama kaya napatigil sila at sumeryso.

















Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now