CHAPTER 9

608 18 0
                                    

Gotcha, you got caught
~•~


SCARLET'S POV

Diretsong nakatingin sa mga mata namin si Emory habang sinasagot ang mga katanungan namin. We can really infer that she's innocent. Walang katakot-takot niyang hinaharap ang mga pagtatanong ni Nova.

"Bakit nandun ka sa capital ng mga sandaling 'yun?" Tanong ni Nova. She looks so confident  bawat bigkas ng mga kasagutan niya.

"Iginiya ako ni Jerome sa kapital, ihinanap niya ako ng mga pormal daw na kasuotan. Pero mas pinili ko ang sandata, sinubukan ko 'yung gamitin,aaminin ko...pero dun sa mismong pinagbilhan namin ko 'yun sinubukan. Kahit tanungin mo pa si Jerome..." Sagot nito. Napatango naman kami nina Maya.

"Panghuli na 'to, ano ang ginagawa mo dun sa mismong pinangyarihan ng pagkapana kay Ash?" Natigilan si Emory at napataas ang kilay niya sa tanong ni Nova.

Did we caught her off guard?
Hindi naman siya ang pumana kay Ash diba? I'm sure pero bakit sa reaksiyon niya...ngayon...

"Hindi ko na maitatago 'to...."
lahat kami ay naging alerto sa pwedeng sabihin ni Emory. Kinakabahan ako, please don't be the culprit.

Malakas ka sa labanan, we can't have an enemy like you na naman sa battlefield...

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Nova. Napabuntong hininga naman si Emory.

"Nandun ako dahil nakita kong may sinusundan ang isang dalaga na may mahabang bistidang suot. Sinundan ko rin siya, pero bigla siyang nawala. At ayun na nga, hinila ako ni Vex papasok sa lagusang ginawa niya" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Dalagang may mahabang bistidang suot?

"Maybe tinutukoy niya si Princess Jewel,I heard na kinuha daw siya. We have a saksi here instead!" Masayang saad ni Catherine. Napatayo naman si Nova kaya napatingin kami sa kaniya.

"You're not guilty...you may go"
napakunot ang noo ni Emory sa sinabi niya.

"Pwede ka na daw umalis, Emory" saad ko. Tumango naman siya. Aalis na sana kami ng may marinig kaming pagsabog.

"Okay! Maybe nandito na ang bihag ko hihihi" masayang turan ni Catherine. Napatingin kaming lahat sa labas,at nakita namin doon ang isang babaeng mahaba ang buhok at tila...nahihirapan. Who could that person be?

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now