CHAPTER 21

398 16 2
                                    

~~Suspicion & The Day before the Examination ~~

JEROME'S POV

*lakad

*lakad

*lakad

"Uyy Jerome! San ka pupunta?" Tanong ni Lloyd habang kumakaway sakin. Nalintikan na, nahanap niya ko.
Pano ako gagawa nito ng excuse para makaabsent sa klase?

"May bibilhin lang sana ako sa labas ng academy" sagot ko saka isinukbit sa bulsa ng hood ko ang mga kamay ko. Napatango naman siya sakin saka tumingin sa likod niya. Doon ay nakita ko si Marion, ang babaeng mula sa senior division na nagkakagusto kay Lloyd, matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita ah.

"Kasama mo?" Tanong ko. Umiling naman siya sakin saka nagtago sa likod ko.

"Akala ko ba umalis na siya ng Algoria? Bakit nandito na naman siya??" Tanong nito na nagpatawa sakin. Oo nga umalis siya ng Algoria pero gaya ng nakikita niya, nagbalik ito.

"Baka pinabalik siya. You know,she's good at handling lances. Baka isa sa mga magiging teacher dito" tugon ko. Tiningnan niya naman ako na parang masusuka.

"Yang pedo na yan? Teacher? Baka ligawan pa niya ang mga kalalakihan dito....delikado na" sambit niya. Ng bumaling ito sa kinalalagyan namin ay agad din siyang tumakbo paalis. Ang hirap siguro maging gwapo no? Buti na lang kahit gwapo ako, hindi ako show off kaya...chill-chill lang.

"Where did Lloyd go?!" Inis na tanong nito. Napakibit-balikat na lang ako saka naglakad na palayo.

Huminto ako sa harap ng gate ng makita ko si Emory. That silent girl from our class. Hmmmm....makausap nga.

"Hi Emory" bati ko habang todo ngiti sa kaniya. Tiningnan niya lang ako habang kumakain ng marshmallows.

"Huh?" Tanong niya saka sumubo na naman ng marshmallow. Napakamot na lang ako ng noo ko. Pano ba yan, I should stay a little bit.

"Ano ba yang kinakain mo? Pahinge" sabi ko saka kinuha ang kamay niya at kinain ang marshmallow na nandun.

^____^ yum~~

O.o) eh ba't ganyan siya makatingin?

o.O) may Mali ba 'kong nagawa?

"Inaasar mo ba ako?" Tanong niya habang nakatingin sakin ng masama. Tinago niya rin ang supot ng marshmallow na dala niya.

"Hindi kita inaasar. Gusto lang kitang makausap" nakangiti kong saad. I should be in character, tsaka hindi ko naman inaakala na ang damot niya pala.

"Bakit mo naman ako gustong makausap?" Tanong nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil ang dami niyang tanong.

"Lahat ba ng bagay dapat may rason Emory?" Tanong ko sa kaniya.
Kumunot naman ang noo niya sakin.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now