CHAPTER 39

277 7 2
                                    

~~Saving Prince Akil
&
Revealed Betrayal ~~

THIRD PERSON'S POV

Ng magbukang liwayway ay pahikab-hikab pa ang iba habang hinihintay ang mga kasamahan nito na dumating sa nasabing lugar bago sila magtungo sa Helszia. Kapwa mga kinakabahan at naeexcite sila para sa misyon na ito. Sanay na naman silang lahat na maipadala sa mga misyon kaya wala silang dapat ikabahala.

"Ang lamig...brrr....Xchindy kunting init naman diyan oh" saad ni Lloyd. Sinamaan naman siya ng tingin ni Xchindy. Of course,kailan pa nga ba nagkasundo ang dalawang yun?

"Painitin mo sarili mo" sagot nito. Yinakap naman siya nina Eliszia at Sage. Bakit? She's warm you see...para saan pa ang kapangyarihan niyang apoy kung hindi naman siya nito mapapainit sa malamig na sitwasyong iyon?

"Bakit parang may mali dun sa sinabi mo?" Nakangising tanong in Lloyd, pero binigyan lang siya ni Xchindy ng  'ang-dirty-minded-mo-look' kaya napakibit-balikat na lang ang patawa-tawang binata.

"Ang init....hayyyy" relaxed na sabi ni Sage. Tumango naman si Eliszia sa kaniya.

"I feel so relaxed. Thanks Xchindy"
Dugtong naman ni Eliszia. Tumango lang sa kaniya si Xchindy na ngayon ay over na ang tiwala sa sarili.

"Unfair...tsk. Eliszia payakap" epal naman ni Lloyd pero hindi lang siya pinansin ng dalaga.

Maya-maya ay nagsidatingan na rin ang iba. Nakangiti ng malapad si Vex at gaya ng palagi, parang galit na ewan si Emory, mukha nga itong hindi nakatulog ng maayos eh. Kasama naman rin nila sina Azaela,Maya at Ash.

"Heyyah Guysss!!!" Masiglang bati nina Emprez at Sage. Keaga-aga hyper ang dalawang to,buti pa sila. Full battery XD

"Ang ingay niyo" tugon ni Emory.

"Anyare sayo? Parang di ka nakatulog ah. Mukha kang zombie" komento ni Xchindy. Tiningnan siya ni Emory sabay sagot.

"Ako mukha palang ikaw....siyang-siya" agad na pinigilan ni Sage si Xchindy dahil biglang nagdilim ang paningin nito dahil sa sinagot ng dalaga. Good thing Sage is there,wews~

"Handa na ba kayo?" Tanong ni Jerome sa lahat. Wala namang sumagot, lahat kaya sila nininerbiyos. First time nilang magkaroon ng misyon na sa Helszia mismo ang tutunguhan. This is something on the next level na kaya!

"Wala naman tayong choice kundi ang maging handa diba?" Patanong na sagot ni Mathew. Tumango na lang sa kaniya si Ash at Azaela.

"Kahit naman hindi tayo handa, it won't matter anyway" dagdag ni Vex. Napabuntong hininga na lang ang lahat.

Maya-maya ay dumating ang isang karuwahe and in it, is Miss Grace along with Miss Vercayz. Binati nila ang dalawa sa pagdating ng mga ito.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Pasensya na at kailangang kayo pang mga estudyante ang gagawa ng mapanganib na misyong  ito. Gayumpaman, mahalaga rin ito upang sanayin kayo. Take this as an special training wherein everything you learned in our class will be applied. Good luck everyone" mas lalong kinabahan ang lahat dahil sa habilin ng guro nila. It's like kunting pagkakamali na magagawa nila,one step ahead towards Algoria's downfall.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now