CHAPTER 19(PART II)

213 8 0
                                    

~~Alliance~~


ELISZIA'S POV
Tumatakbo lang ako sa kadiliman ng gabi basically the only thing that lights my path is the flash coming from the lightning, nararamdaman ko rin ang presensya nung lalaki na humahabol sakin. Bukod dun ay may mga Helszians pang humahabol sakin. Sana naman okay lang sina Vex, Emory, Emprez at Sage doon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtakbo ko ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagsimulang maging blurry ang paningin ko dahil sa tubig ulan na sumasalubong sa mukha ko, hanggang sa natumba ako sa lupa dahil sa pagkadulas. Bwesit na maskarang to! Nabitawan ko naman yung hiyas...and it rolled somewhere hindi ko makita dahil ang dilim.... umiilaw yun....nasaan na!

"Tumigil ka na sa pagtakbo Binibini, wala ka ng takas,akin na yung hiyas" sabi nung lalaki na kanina pa humahabol sakin. Nakatutok na rin sa lalamunan ko ang dulo ng espada niya.

Napamura na lang ako sa isip ko, dahil mawawala ang hiyas...pwede ko na ang gawin na lang ang iniisip ko na pagbitak-bitakin ang mga lupa para lang mahanap ang hiyas....but it's too risky even for myself....damn!

Itinaas ko ang ulo ko at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya, naikuyom ko ang kamao ko saka ko sinipa pataas ang espada niya,mabilis akong kumilos....sinuntok ko siya pero nakailag siya. Umikot siya at hinila ang braso ko saka niya ako ibinalibag sa lupa....

"Pasensya na Binibini,pero kailangan ko ang hiyas na yun. Malaki ang galit ko sa Helszians pero sa ngayon ay hindi kita papaslangin basta ibigay mo lang sakin ang hiyas" magalang nitong sabi habang unti-unti na akong namimilipit sa sakit.

Pero ano daw? Helszian?

Sasagot na sana ako pero wala ng oras,Wala na akong pakealam sa kaniya basta kailangan kong malayo ang hiyas sa kaniya. Inuntog ko ang ulo ko sa ulo niya, saka ko hinablot ang maskara niya at kinuha ko ang espada na nahulog sa lupa,actually kaniya yun, kung sino man siya na hahadlang sakin...hindi ko siya hahayaang mabuhay.....

Sasaksakin ko na sana siya ng lumingon siya sakin....parehas kaming madumi dahil sa putik,parehas kaming basa at nanginginig dahil sa lamig.....pero nabitawan ko kaagad ang espada ng makita ko kung sino ang nakalaban ko.

"Dwayne?....." Usal ko, kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. Walang anu-ano kong tinaggal ang maskarang kanina ko pa suot.

"Eliszia?" ng maaninag niya ang mukha ko dahil sa pagflash ng kidlat ay ngumiti din siya sakin saka yumuko.

"Eh?" Ano bang ginagawa niya?

"Pasensya na kanina....nasaktan ka ba?" Nag-aalala niyang tanong. Natawa naman ako ng bahagya...pero bigla kaming natigilan ng may mga yabag kaming narinig. May mga boses rin na mula sa mga sundalo ng Helszia ang kaming narinig.

"Helszians... Dito!" Hinila ko agad si Dwayne sa likod ng isang puno. Umakyat siya doon....ako naman ay kinuha ang espada at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Nandito lang yan sila! Imposible na makalayo ang mga yun sa panahong to. Hanapin niyo sila!"
Sigaw ng pinuno nila.....nakikipag-agaw rin sa mga boses nila kulog na umaalingawngaw sa buong paligid.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now