CHAPTER 24

361 11 0
                                    

~~Examination's Second Day~~


ICE'S POV

Kainis! Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako gumagaling. Bwesit na katawan na 'to, pano ko mahahanap ang kapatid ko? Pano ko ipagtatanggol si Ash? Kung ganito kahina ang katawan ko?

"Ice...kabaliwan 'tong hinihingi mo.
Pag-inumin mo ang kamandag ng fzestra{fairy-like pets ng mga Diwata} dahan-dahan nitong pahihinain ang resistensya ng katawan mo! Hindi ko mandin maintindihan kung anong klaseng sakit meron ka...Bakit hindi ito gumagaling? Imposible ang bagay na yun dahil galing na yun sa luha ng sirena...bakit?" Naguguluhan niyang saad. Napangiti na lang ako dahil gaya niya...wala rin akong alam sa kondisyon ko.

"Posible bang hindi tumalab ang mahika niyo sa kalahating mortal?"  Tanong ko sa kanila. Matagal ko na ring inaalala yun.... ako...na kalahating mortal dahil ang ama ko ay isang mortal at ang ina ko ay mula sa Contreras...dahil kung nagkataon na dahil yun sa dugo ko....hihintayin ko na lang na mamatay ako.

"Hindi posible yan Ginoo...ang luha ng mga sirena ang pinakamalakas pagdating sa pagpapagaling sa buong mundo ng mahika....at higit sa lahat...walang kinalaman ang pagiging mortal o hindi ng isang tao" magalang na salaysay naman ni  Miss Grace. Napaisip naman ako bigla...kung ganun...anong klaseng sakit ang meron ako?

"Ice...iminumungkahi ko na huwag kang magpapadalos-dalos sa mga desisyon mo. Pag-isipan mo muna lahat ng ito...naiintindihan kong gusto mong bantayan ang kapatid mo sa laban niya...pero hindi maaari" tsk....ang ayaw ko pa naman sa lahat ang pinipigilan akong gawin sa nais ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko saka ako nito tiningnan sa mga mata. Naalala ko sa kaniya si Mommy...

"Please Ice..." Sabi niya sakin...ganito ba ako kung mangulila? Naalala ko sa kaniya si Mommy hindi ko lang alam kung bakit....

"Ibigay niyo sakin ang hinihingi ko" I said firmly, alam kong darating ang panahon that I'll go back to my old condition before...pero habang kaya ko pa...I'll do what I can.

"Ice...." tiningnan ko ang Reyna saka ko siya nginitian.

"Alam kong nag-aalala kayo sakin...samin...dahil kaibigan niyo sina Mom and Dad and you feel responsible for our safety, pero huwag kayong mag-alala...alam ko kung ano ang ginagawa ko..." Saad ko saka kinuha ang hawak na vial ni Grace. Habang naglalakad ako sa hallway, ay biglang sumakit na naman ang dibdib ko...napaupo ako sa gitna pero may tumulong sakin.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now