CHAPTER 40

267 11 0
                                    

~~The Downfall
&
Unwanted Reunion ~~

ASH'S POV

Patingin-tingin kami sa paligid para masigurado na wala na ang tatlong yun dito. And it's a relief na wala na nga sila. Ang tanging naririto na lang na nakikita namin ay ang mga normal na gwardiya. Tahimik kaming naglalakad papunta sa isang malaking pintuan na hinala namin ay siya nang kinalalagyan ng hinahanap namin.

"I'll take it from here....Max" naglakad papunta sa harap si Maya saka unti-unting umilaw ang mga mata niya.

"Mga kalaban!" Sigaw nung isang gwardiya na ngayon ay unti-unti ng lumulutang.

Agad kaming tumakbo papunta sa harapan, habang unti-unting kinukulong ni Max ang mga gwardiya sa mga steel bars na nagagawa nito. Maliksi na inatake ni Jerome ang mga ito hanggang sa mawalan sila ng malay.

Itinulak ko ang dambohalang pintuan na nasa harapan ko. At bumungad sakin ang isang manipis na daanan, sa dulo nun ay lumulutang sa ere ang mga napakagandang hiyas ng Algoria at ng Valtoria. Walang ibang makikitang mapanganib doon....but I can tell that there is way more to see in this one. Hindi naman mga tanga ang Helszians para padaliin ang lahat, sigurado akong may mga traps sila na inilagay dito bukod sa masukal na daanan na 'to.

"Nalintikan na....ang dali naman pala ng misyon na 'to----" bigla siyang tumahimik ng hawakan ni Max ang balikat nito. Hindi na lang rin umimik pa si Maya.

"Huwag tayong pakasigurado, sa panahon ngayon kung ano ang pinakamadali ang siyang dapat mong paghinalaan." Sabi ko saka kumuha ng isang torch para makagawa ng anino.

Nagulat kaming lahat ng biglang may mga matutulis na sibat ang lumipad papunta sa direksiyon namin, at dahil dun ay kaniya-kaniya kaming iwas. Kaso nadaplisan sa braso niya si Sage.
Napadaing ito ng bahagya na agad naming nilapitan ni Azaela.

"Ayos ka lang ba?" Malumanay na tanong ni Azaela. Tumango naman si Sage dito kaya inalalayan na niya itong tumayo.

"I'm okay, kayo ba?" Pagbabalik nito ng tanong. Tumango lang ako sa kaniya kaya naman napangiti ito.

"Tama nga ang sabi ni Xchindy, sa nakikita ko ngayon matinding pag-iinsayo nga ang pinagdaanan niyo" napalingon kami sa likod namin ng may biglang magsalita. We took our stances para maghanda sa pagsugod na gagawin nila. Sa likod niya ay nakatayo ang babaeng kasama niya kanina.And Xchindy is not with them this time.

"Huwag kayong mag-alala sa mga kasamahan niyo. Magkakasama rin kayo maya-maya...kaya naman kung ako sa inyo sasama na lang ako ng matiwasay kung ayaw niyong magkasakitan tayo dito" nakita ko ang pagkuyom ng kamao nina Jerome at Maxwell.

"Who are you" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas na sa bibig ko ang dapat lumabas.

Ngumiti siya sakin saka hinawakan ang kanang pisngi niya.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now