XXX

173 7 1
                                    

~~Scram Algorians~~


ASH'S POV
Nandito kami ngayon naglalakad patungo sa dating village ng Contreras. Nagulat nga ako na parang may malaking crater sa gitna ng lugar na 'to,napahawak na lang ako sa kwentas ko. Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa ilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko at may nakapa ako doon.

Kasabay ko sa paglalakad si Azaela sina Axell at Sage naman ay naglalakad sa unahan. Ng kunin ko ang nandun ay nakita ko yung litrato na hinabilin sakin ni mom Crisanta.
Lumapit naman si Azaela sakin at kinuha ang litrato sa kamay ko.

"Hey give me that" sabi ko pero umatras siya palayo at tinitigan ang litrato.

"This little girl looks familiar,she looks like Sage..... sino ang mga 'to?" Tanong ni Azaela, napahinto naman sina Axell at Sage sa unahan.

"What's the matter guys? Dapat nagmamadali na tayo, pagpumatak na ang dilim mahihirapan na tayo"saad ni Axell ng makita niyang nakatigil na kami.

Kunot noo namang nakatingin samin si Sage saka bumaling sa litratong hawak ni Azaela.

"Ano yan?....I mean, I know na papel yan but...--- never mind Tara na" sabi nito, nagkatinginan naman kami nina Azaela at saka tumango sa kaniya.

Nagsimula na kaming maglakad.
Tahimik lang kami, maski ang bulong ng hangin ay masyadong malakas para marinig naming lahat. Nakakabingi, hayst...

"You better tell us what that picture is all about" sabi ni Azaela, hindi ko naman siya pinansin.

Ipinakita niya sakin ang litrato na hawak niya. Hindi ako kumibo, bagkus ay diretso lang akong tumingin sa daan.

"Kamukha ba talaga ni Sage ang nasa litrato?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sakin. Kung kamukha...no...kung si Sage ang nasa litrato then....could it be?....but how?.....

Why in this situation?!
Talking about wrong timing!!

Bahagya kong nagulo ang buhok ko dahil sa mga iniisip ko ngayon. If Sage is mom's real daughter then....I should tell her...but this is such a wrong timing... If I tell her now....her death might be accelerated...damn it Ash!

"Dude, nakita ko na ang mga litrato niya nung bata pa siya. And I know na siya yang nasa litrato... Well at least. Pero yang babaeng yan...na kasama niya at lalaking yan--- who that?" Mahaba niyang litanya, bumuntong hininga na lang ako dahil sa mga sinabi niya.

Damn it!

Hindi ko rin naman alam na ganito pala kakulit si Azaela. If only I know sana hindi na lang ako nagsaya na naging kulay lila na ang buhok niya. Tsk,Tsk,tsk~

"Ang babaeng kumakarga sa kaniya sa litrato na yan ang mommy Crisanta ko at ang lalaking yan naman ang daddy Selim ko" paliwanag ko sa kaniya, tumango-tango naman siya sakin.

Maya-maya ay huminto sina Sage at Axell. Kaya naman ay naalerto kaming lahat, naglakad ako papunta sa harap at nakita ko doon ang isang kweba, madilim iyon..lalo't nagsisimula ng magtakip-silim.

"Ito na ata ang hinahanap natin" sabi ni Axell, tumango naman kami sa kaniya. Ito na nga ata yun.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now