CHAPTER 38

286 6 2
                                    

~~ Mysterious
Piece of the Past~~


ASH'S POV

Kahapon ay bumalik rin ang mga bata sa Village nila, at nabalitaan ko na lang na si Sage ay nagpakalunod sa alak nung isang araw, too much of disappointment? Well hayaan na sila may mga buhay silang kinokontrol and I have mine to mind. Pahikab-hikab pa ako habang naglalakad papunta sa room. At doon ay nakita ko si Gael na nagbabasa. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Magandang umaga" bati niya sakin. Tumango naman ako sa kaniya saka naupo sa upuan ko.

"Ang aga mo naman" sabi ko para basagin ang katahimikan. Tumawa naman siya ng mahina.

"Yeah, umalis ako ng maaga.
Wala na naman akong magawa sa bahay eh" he flipped the page of the book he's reading at saka bumuntong hininga.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.
Tumango naman siya saka pahalukipkip na humarap sakin.

"May katanungan ka ba patungkol sa mundong ito? Handa akong.... sagutin lahat ng yun." Biglang napaatras ang dila ko sa tanong niya.

Of course may mga katanungan ako.
Everything na nalalaman ko't nakikita ko ay nagpapalito ng isip ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng yun o koneksiyon nun sa pagkatao ko. Kung sa pagkatao ko nga ba o sa pagkatao ng taong hinahanap ko?

".......wala" gusto kong sabihin na oo, napakadami kong katanungan na hindi ko magawang maitanong dahil natatakot ako na ang katanungan kong iyon....ay hindi nila masagot.

O baka naman....natatakot lang ako sa magiging sagot nila. Bakit nga naman kailangan kong matakot? 

"Oh sige....I'll tell the story myself anyway. Kung ayaw mong magtanong, ako ang magkwe-kwento...halos labing apat na taon na ang nakararaan ng sumiklab ang digmaan sa Hexeria na dati'y puno ng pagmamahalan, kapayapaan at pagkakaisa. Ang Helszia at ang Algoria ay magkaagapay sa pagpapanatili ng pagkakaisa't katahimikan sa buong mundo, hanggang sa mamatay ang hari ng Helszia" pabitin niyang panimula. Napailing ako ng bahagya dahil sa mga salitang binitawan niya.

Ngumisi siya sakin, bagay na hindi ko inaasahang gagawin niya. Hindi kami masyadong magka-close, ni hindi nga kami madalas mag-usap. Pero ngayon, kung umasta siya it's like he knew me very well. Hindi naman yun ang problema kundi ang naramdaman kong 'uneasiness'?

"Ano naman ang----" napatigil ako ng itaas niya ang palad niya bilang senyales na huwag muna akong magsasalita.

"Matalik na magkaibigan ang reyna at hari ng Algoria pati na ang Reyna at Hari ng Helszia. Kaya nga lang, nang mamatay ang Hari ng Helszia ang pumalit dito'y ang kapatid nitong si Diego. Hindi gaya ng dating Hari, sakim at masama ito. Isang buwan matapos siyang koronahang hari ng Helszia ay pumanaw ang reyna ng Helszia kaya sa kaniya naiwan ang buong kaharian. Di nagtagal ay sumiklab ang digmaan dito sa Hexeria na siya mismo ang nagpasimula. At ang lahat ng yun ay para sa kapangyarihan at kaharian" tumayo siya at lumapit sa may bintana saka itinuro ang malaking bundok na natatanaw mula dito hanggang sa dulo ng capital.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now