CHAPTER 7(PART II)

217 6 0
                                    

~~Threat or Warning~~

SUMMER'S POV
Matapos ang training namin ay kinompronta ko si River. Nandito kami ngayon sa labas ng barrier. We intend to fight each other. Hindi ako makakapayag na may kalaban na aali-aligid sa lugar namin. At higit sa lahat....masyado na siyang may alam.

"River, or should I say Prince Mikael.....ano ba ang gusto mo sa'min huh? Bakit ba nandito ka pa rin umaali-aligid sa mga kasamahan ko? At kay Sage? Ano ba talaga ang plano niyo?" Tanong ko saka hinawakan ng maayos ang espada ko. Umiling lang siya saka kumuha ng dalawang maliliit na patalim sa likod niya.

"Wala akong ibang masamang plano Summer....I'm just here for Sage...." Sagot niya. Pero hindi niya ako mapapaniwala, mostly 'yan ang sinasabi ng mga tao na maya-maya ay susugurin ka at papatayin....

"Sage? Bakit? Ano naman ang kinalaman ni Sage sa plano niyo?
Oh right,dahil ba 'to sa light magic niya? Pwes hindi ako papayag na saktan mo siya..." Sinugod ko siya pero nasangga niya lang ang atake ko.
Nakakunot ang noo niya nang itulak niya ako palayo sa kaniya.

"Bakit ba ang hilig ng mga babae na gumawa ng mga konklusyon ng hindi pinapakinggan ang panig ng mga lalaki?" Saad niya saka umiling.
Todo sangga lang siya sa mga atake ko, parang hindi niya nga akong sineseryoso.

"Bakit ba ang hilig niyong mangtraydor? Noon sina Vex at Xchindy, ngayon naman ikaw? Sino pa ba ang kasamahan mo na nandito't tulad ng sayo ang pakay?" Tanong ko, ngumisi lang siya....and in that moment, kinilabutan na lang ako...lalo na ng bigla siyang mag-appear sa harapan ko ng hindi man lang napapansin....

"Hindi ko sasabihin....pero tandaan mo 'to, sa oras na maisiwalat ang katotohanan patungkol sa'kin may masamang mangyayare hindi lang sa'yo.....kundi ng buong angkan....niyo" he patted my head at saka naglakad palayo, pero huminto siya at lumingon na naman sakin, "I appreciate the fact na naglakas ng loob ka na kausapin ako, pero hindi ko gusto na ipinagtutulakan niyo si Sam kay Sage....he better take his distance, or I'll have him pay for trespassing" hindi na ako nagsalita pa, at pinanood na lang ang likod niya as he walks away.

Hindi ko alam kung ano ang pinasok ko, namin...for a moment naisip ko na lahat ng nangyareng ito, it looks like they all got triggered when Ash arrived, and I just can't believe na siya nga ang anak ni Thalya. Now that they have him, lagi kaming naghe-hesitate na lumaban dahil isang salita lang niya mawawala kami....

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now