CHAPTER 3

1.2K 37 2
                                    

Welcome to the Class of Elites
~•~


ELISZIA'S POV

Matapos pagalingin ni Flora si Emory ay pinagmasdan ko ang maamo nitong mukha. Alam ko kung ano na ngayon ang nangyare sa syudad nila, sinalakay ng mga Helszian ang lugar nila't walang itinira. Ngayon, alam ko kung ano ang ipinunta niya dito.

Ang paghihiganti ay magbubunga lang ng isa pang paghihiganti, magiging tila kadena ito,walang katapusan.

I've always looked forward for the day that babalik ang lahat sa dati...way before greed developed in our world.

"Nasaan ako....ikaw....sino ka!" nagulat ako ng bigla siyang magising. Tumingin siya sa buong silid, at napatigil siya ng makita ang bintana.

Oh no....

"Wait please! Kung iniisip mong tumalon huwag, nagmamakaawa ako... magpapaliwanag ako and besides, wala akong masamang plano...nasa Algoria ka, Emory" sambit ko. Ghad,if she'll ever take a jump from here it'll be her end...we're at the sixth floor..geez...

"Algoria? Nasa Algoria ako?" Pag-uulit nito,medyo natuwa siya ng malaman iyon,pero bumalik rin ito sa dati,seryosong ekspresiyon ng mukha nito."...kailangan kong makausap ang reyna, kailangan nating iligtas ang mga Astrans...kailangan nila ang tulong niyo...kailangan namin kayo" pagsusumamo niya.

Napayuko na lang ako't napahawak ng mahigpit sa laylayan ng palda ko. Tiningnan ko siya at ngumiti ng mapait. Ito na ata ang pinakamalungkot na bagay na magagawa ko. At hindi ako sanay.

"Huli na,Emory. Ayon sa ulat nina Lucille,Max at Maya...walang natirang Astrans,lahat ay pinaslang at ang mga tahana'y sinunog.... patawad" malumanay kong saad. Nalulungkot ako sa nangyare sa kaniya at sa buong angkan at syudad niya.

Napaupo na lang siya sa tabi, niyakap niya ang dalawang tuhod niya,at sumigaw.... sumigaw siya ng sumigaw, rinig na rinig ko ang mga hikbi niya. Ang panunumbat at mga pagsisisi niya. Despair is written all over her expression, well sorrow along with grief na rin.

"Kasalanan ko 'to....kasalanan ko 'to! Ang hina ko,napakahina ko!---Papatayin ko silang lahat! Magbabayad sila! " sigaw niya saka sinuntok ang salamin ng bintana na nasa gilid niya. Dumugo ang kamao niya,pero wala siyang pakealam. Malakas siyang babae, pero ang taong puno ng poot ay madaling manipulahin.

Nilapitan ko siya't yinakap.
Hindi ko alam ang pakiramdam ng nawalan, pero naiintindihan ko ang poot at galit sa puso niya. Ang lahat ng nawalan ay may karapatang magalit at maghangad ng paghihiganti... ngunit sa huli, nasa kanila kung paano nila tatahakin ang landas na pinipili nila.

Class of Elites: Dawn Of DarknessWhere stories live. Discover now